Nagagandahan ngunit hindi pinapahalagahan

30 2 0
                                    

Nagagandahan ngunit hindi pinapahalagahan

Sikat man ako noon sa lugar namin,
Ako'y nakakatanggap parin ng mga salitang di kanais-nais at harap harapang nilalait.

Sabi nila maganda raw ako at sikat,
Ngunit ito din ang dahilan kung bakit kinabukasan ko ngayon ay unti-unting ko na maharap.
Kwento ko'y inyong pakinggan upang mga pinagdaanan ko inyong malaman.

Ako'y may gandang itinataglay,
Maraming naaakit at lumalapit,
Akin naman silang tinatanggap ngunit ako ng kanilang winawasak.

'Di ko sila itinuring na iba,
Kahit alam kung sila ay naiiba,
Mga dayuhan ang bumibisita,
Ako'y kanilang inaalipusta,

Gusto ko man umayaw sa maraming bagay,

Ngunit tila wala akong lakas na pinaghuhugutan.

Sa tuwing ginagamit nila ako,

Mga pangyayari ay tila hinahanap-hanap ko na.

Gusto kung umayaw ngunit hindi ako maka hindi,

Isang paghingi ng tawad,

Sila ay napapatawad ko na.

Isa rin kasi sa ipinagpapasalamat ko sa kanila pagkat anak ko'y inaalagaan nila.

Sa tuwing sila ay dumarating lagi may dalang tsokolate, yosi at kung ano-ano pa.

Dahil din sa kanila natutunan namin magsulat, magbasa, at mag-ingles.

Nang dahil sa kanilang buhay namin ay guminhawa tila ako'y napamahal na din sa kanila.

Ngunit lahat ng bagay ay may hangganan o kaya'y katapusan.



Unti-unti nila akong pinapatay,

Buhay ko'y unti-unti ng winawasak ng dahil sa kung anumang lason sa akin ay isinasaksak.

Dahil na rin sa tulong ng mga anak ko ng napalayas namin ang mga nang-aabuso.

Tila rin nasanay kami sa sarap ng buhay kaya ngayon tila 'di na kami makatayo sa sarili naming mga paa.

Sa dami na rin ng utang namin tila mga kaluluwa namin ay di sapat na kabayaran pa.

Sa akin ay maraming nanghihinayang, namumuhi, at naaawa.

Dating hinahangaan ay nabili lamang sa murang halaga,

Kahit hirap na hirap na ako,

Kailangan ipakita na kaya ko para sa mga anak ko,

Kahit ano pang sabihin ng iba ako'y magiging matatag pa rin para sa mas nakararami.

Pinagpatuloy namin ang aming mga pangarap,

Ngayo'y ibang mga anak ko ay nasa ibang bansa na,

Ang iba naman ay naiwan sa aking piling kahit wala naman silang kayang patunayan sa buhay.

Para sa ibang mga anak ko na nagsisikap upang kalagayan namin ay guminhawa ay nagpapasalamat ako.

Hirap na hirap din kaming umahon sa kahirapan tila kasi nasanay kami sa ganda ng buhay kaya ngayon kami ay lugmok na lugmok na sa kahirapan.

Halos lahat din ang anak ko ay tila may galit sa isa't isa,

Hindi nila tinutulungan ng kalagayan ng bawat isa.

Sa tuwing napapatingin ako sa salamin mga luha ko ay tila di ko na mapigilan pa.

May mga tanong din sa aking isipan tulad ng naging masama ba akong ina?

Pagkat lahat sila ay nila di ko kayang ipagtanggol sa isa't isa.



Tila kasi sila rin ang sumisira sa aking kalagayan,

Iilan lamang din sa kanila ay may pagmamalasakit sa akin,

Sa tuwing may magaganap na kasiyahan tulad ng pasko at ika'y bagong taon ay tila natatakot ako,

Natatakot ako dahil baka ni isa sa kanila tila 'di man lang ako maalala.

Sa sitwasyon kung ito tila ako'y nahihirapan na pagkat para sa mga anak ko materyal na bagay na ang mas mahalaga nais mong sabihin sa kanila na "Ina ninyo ako, pagmamahal ninyo lang ang kailangan ko." 

Pasensya na saka dara mahal ko sila nadala na ako nang aking emosyon

Maraming salamat sa pakikinig ng aking k'wento,

Sa hinaba-haba ng aking k'wento nakalimutan kong magpakilala,

Pasensiya na na... Pilipinas nga pala. 

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon