Sa una lang sila magaling

88 1 0
                                    

SA UNA LANG SILA MAGALING

Nakikipagkamayan kahit saan man,
Nakikipagbatian kahit sa sino man,
Nakikipag-plastikan kahit saan man.

Kahit mga lugar na tago pinupuntahan
Kahit mga eskinita ay pilit pinatutungohan,
Makakuha lang ng atensyon kanilang magiging puhunan.

Akala mo kung sinong matino,
Akala mo walang itinatagong baho,
Magaling magmanipula ng tao,
Akala mo naman may pagbabago.

Natapos ang lahat ay may itinalaga,
Tila lahat ng pagod nila ay may halaga.

Dumaan ang mga araw at naging buwan,
Mga naupo sa trono ay tila walang kasawaan,
Kanilang posisyon ang lagi lang nilang pinahahalagahan.

Pagdating ng sakuna,
Mamamayan ay tila walang mahihita.
Mahinang pagpapalakad,
Mamamayan ang sa hirap ay lalong nakakaladkad.

Sa una lang sila magaling,
Sa una lang sila ay may mga planong kay galing.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon