WIKA'Y PAGYAMANIN

48 1 0
                                    

𝐖𝐈𝐊𝐀'𝐘 𝐏𝐀𝐆𝐘𝐀𝐌𝐀𝐍𝐈𝐍

Halika dito at makinig, tayo'y may maipagmamalaki ngunit nasa isang kubli. Wikang Filipino ay mahalaga, ngunit kaunti lang ang nagpapahalaga. Sa tingin mo, isa ka ba sa kanila? Sabi nila'y pagyamanin natin ang sariling wika, ngunit ako'y nagtataka. Wika nga lang ba ang problema? Karaniwan natin itong ginagamit, ngunit pagpapahalaga'y nawaglit. Simula bata tayo ay nasanay. Nasanay gamitin ngunit hindi pinahahalagahan.

Sa wikang Filipino, letrang ginagamit ay sa pangletrang Ingles. Naiintihan ko, pagkat ang isang katulad ko'y namulat din sa ganyang estilo. Namulat ako na ang a ay a/A hindi ᜀ.  Marami tayong nakatatagong yamang pangkaisipan at tatak Pilipino kung ating paghuhusayang pag-aralan.

          

              𝘉𝘢𝘺𝘣𝘢𝘺𝘪𝘯
              𝘈𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘺𝘢𝘮𝘢𝘯𝘪𝘯
              𝘛𝘢𝘺𝘰'𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘢𝘯𝘪𝘩𝘪𝘯
              𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘶𝘯𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘪𝘮

Sa edad ko ngayon, ako'y nakakaunawa na rin. Sinusubukang pag-aralan ang sulating baybayin, ngunit tila ba ako'y isang munting bata. Tila ba sa tuwing aking isusulat ay nagsimula ako sa panahon na wala pa akong kaalam-alam. Mahirap talaga ang isang bagay kapag nasanay ka na, mahirap na itong baguhin pa.  Sana sa paglago ng ating sariling wika maging ang sulating baybayin ay atin ding tangkilikin dahil ito ay sariling atin.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon