AKING KAALAMAN PATUNGO SA TAGUMPAY

25 1 0
                                    

Aking kaalaman patungo sa tagumpay

Pinasok ang larangan kung saan wala naman talaga akong alam,
Mga ideya tila akin lamang hinihiram.

Pagbabasa ang aking unang kinahiligan,
Pagsusulat ay tila para sa akin ay laro-laro lamang hanggang sa akin na itong kinahiligan.

Habang tumatagal ay unti-unting   natututo
Dahil na rin sa mga taong sa akin ay nagtuturo.

Mga bagong kaalaman ay waring akin lamang
Walang makakaagaw at mananatiling akin lamang.

Aking pagmamay-ari ay aking aangkinin,
Magsisilbi itong sa akin.
Hihigitan pa aking kaalaman,
Para sa sariling kapakanan.

Unti-unting natututo,
Unti-unting paring matututo.
Kaalaman ay magsisilbi sa aking isipan
Kaalaman ay siyang magsisilbi sa aking tagumpay pagdating ng araw.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon