IBANG BERSYON NG TAO

13 1 0
                                    

Ibang bersyon ng tao

Nangyayari'y hindi pangkaraniwan,
Nababalot ng takot ang bawat isa.
Bawat isa ay naghahangad na saklolohan,
Tila unti-unti na rin nawawalan ng pag-asa.

Nababalot ng takot ang bawat isa,
Ibang bersyon ng tao ang dahilan.
Tila unti-unti na rin nawawalan ng pag-asa,
Halos lahat ay nahihiwagaan.

Ibang bersyon ng tao ang dahilan,
Walang nabubuong gamot ang mga dalubhasa.
Halos lahat ay nahihiwagaan,
Sa kanilang mga mata, takot lamang ang mababasa.

Walang nabubuong gamot ang mga dalubhasa,
Tanging nakasilip lamang sa isang maliit na durungawan;
Sa kanilang mga mata takot lamang ang mababasa,
Isa lang ang nais ng bawat isa delubyo'y mawakasan.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon