Magsisilbing Aking Bayani

16 1 0
                                    

MAGSISILBING AKING BAYANI
-NARRATIVE POETRY

Gabing tahamik at napakalamig,
yakap-yakap ang sarili gamit ang sariling bisig.
Pilit pinipigilan na tumangis at pinapakalma ang sarili,
pakiramdam ay sobrang bigat,
puno ng panghihinayang at sinisisi ang sarili.

"Wala na po siya, hindi niya po kinaya," sambit niya habang pinapatatag ang sarili, libo-libong kutsilyo ang tila nakatarak sa kanyang dibdib, hindi makatingin sa mga mata ng pamilya ng nawalan.
"Bakit? Bakit mo hinayaan na mawala ang anak ko!" sigaw ng ina ng bata na pilit pinapakalma ng asawa nito.
"Ginawa po namin ang lahat, hindi niya na po kinaya, katawan na po niya ang sumuko. Pasensiya na po, ikinalulungkot po ko ang nangyari."
Ngunit tila hindi siya pinakinggan ng mga ito.

Naghalo-halong emosyon,
lungkot ang tanging nananalantay sa kanyang buong katawan.
Pinagmamasdan niya na nagdadalamhati ang kanyang pamilya,
kahit saan siya tumingin ay alam niyang siya ang sinisisi ng mga ito.

Operasyon ay hindi naging madali,
tuluyang katawan ay bumigay.
Sa mga sugat ko'y iba ang gumamot,
mas pinili niya ang sobrang napinsala.
Pareho sasakyan ang dahilan,
ngunit isang buhay ang binawian.

Siya'y isang manggagamot,
halos bayani ng lahat.
Maraming naisalbang buhay,
ngunit buhay ng sariling kapatid ay hindi niya nagawang dugtungan.

Gusto ko silang sigawan,
manggagamot lang ang aking inay,
nasasaktan din siya ngunit sino nga ba ang may pakialam?
Ang yakapin siya ang tanging magagawa,
sana'y mapatawad na rin niya ang sarili niya.

"Mama, hindi mo yun kasalanan. Palayain mo na ang sarili mo, andito lang ako. Napatawad ka na nila lola at lolo, matagal na mama. Masaya na si tito kung nasaan man siya, magkakasama na rin kayo," munti kong sambit bago niya ipinikit ang kanyang mata.

Maraming taon ang lumipas,
hindi naging madali ang lahat.
Ngunit masaya ako ngayong makakapagpahinga na siya ng lubusan,
sa lahat ng sakit siya'y nakakalaya na.
Mananatili ka sa puso ko, dumaan man ang maraming bagyo, ikaw ang tanging bayani ko, ang anak na kahit kailan alam kong laging nasa puso mo.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon