Pagiging isang anak
(Pantoum Poetry)Paano nga ba maging perpektong anak?
Tanong ng isang katulad kong anak,
sa tuwing pinagagalitan—salita ay sa isip nakatatak,
mga salitang masasakit sa dibdib ay tila nakasaksak.Tanong ng isang katulad kong anak,
paano ba maging isang mabuting halimbawa sa lahat?
Mga salitang masasakit sa dibdib ay tila nakasaksak,
tila pakiramdam ay sobrang bigat.Paano ba maging isang mabuting halimbawa sa lahat?
halos pagkakamali nalang ang sukatan ng lahat,
tila pakiramdam ay sobrang bigat,
pakiramdam ko'y sobrang hirap na hirap .Halos pagkakamali nalang ang sukatan ng lahat,
sa tuwing pinagagalitan—salita ay sa isip nakatatak,
pakiramdam ko'y sobrang hirap na hirap,
Paano ba maging isang perpektong anak?
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PuisiPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...