Tulay sa aking pagbabago
Isang simpleng babae, hindi sanay sa anumang larangan. Isa sa tahimik na manunulat, akda ay nasa isang kwaderno. Gamit ang panulat at papel nang ako'y magsimula. Hindi ko alintana iba't ibang uri ng tula, bantas, mga salita at kung anu-ano pa. Ang tanging nasa isip lamang ay akda ay maipahayag sa iba.
Nagsimula bilang mambabasa, mga kaibigan ay laging nakagabay upang sumuporta. Marami ang nagsasabi aking mga akda ay punong-puno ng ideya ngunit nagkukulang sa sakit na maipapadala sa isang mambabasa. Nang aking pasukin ang mundong ito marami ang nabago, maraming kaalaman ang naidagdag sa isipan ko. Nang dahil dito may bagong akda akong nabubuo at nakahanda ang sarili upang matuto pa ng husto.
Sa tuwing ako'y nagsusulat
pakiramdam ko'y tila nababawasan ng bigat,
akdang aking isinusulat
ay ibinabahagi ko para sa lahat.Nagiging daan ito sa aking pagbabago,
nagiging karamay kapag nabibigo.
Gamit ito nailalabas ko aking mga itinatago
nawa'y kaalaman ko pa ay lumago.Matapos pasukin ang mundong ito, nakagagawa na ng iba't ibang uri ng tula na ngayon lang talaga napagtuunan ng pansin. Matapos makabuo ng isang akda ako ay sobrang natutuwa pagkat hindi ko man lang naisip na ako'y makagagawa ng isang akda.
Ginagawa ang lahat upang maging karapat-dapat sa mundong aking ginagalawan. Marami mang hamon ako'y patuloy na lalaban, lalaban upang maging kapaki-pakinabang. Sa mundong puno ng mapanghusga ako'y patuloy na magiging matatag para sa mga taong sa akin ay nagpapahalaga. Babalewalain mga masasamang sinasabi ng iba at gawing inspirasyon upang maging mahusay pa sa bagay na kinaaayawan nila.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...