Aking Nararamdaman

15 1 0
                                    

AKING NARARAMDAMAN

Iniwan mo ako, dahil sabi mo hindi mo na ako mahal. Halos nawalan na ng lakas ang aking katawan. Ni paglalakad hindi ko na magawang gawin. Tanging pagbuhos ng luha ang kaya kong gawin. Pinilit kong ihakbang papalayo sayo ang aking mga paa, gusto ko lumingon pero hindi ko ginawa. Tanging ang alam ko lang bumuhos lalo ang aking luha ng makapasok na ako sa aking sasakyan. Tanging luha lang ang nagawa kong ilabas, dahil sa bigat na aking nararamdaman.

Nasasaktan ako, walang may alam. Umiiyak ako ng mag-isa at nahihirapan, wala akong pinagsabihan. Tanging hikbi lang ang maririnig sa buong sulok ng aking silid. Naninikip ang dibdib, walang ibang mapaglabasan ng sakit. Tuwing nagigising sa umaga, tila wala ng saysay ang buhay. Lagi na lang nagigising sa mala-impyernong nakaraan.

Sa ating paghiwalay, landas natin ay nag-iba. Marami ang nagbago pero puso ko'y wasak na wasak pa rin ng husto. Mahal kita ikaw lang nag-iisa. Gusto kong tapusin na ang buhay ko, pero hindi ko pa rin kaya. Paano na lang kasi kung wala na ako? Baka hindi na kita makita pang muli, baka hindi ko na matunghayan ang napakaganda mong ngiti. Kahit sobra mo akong naslsaktan, ikaw pa rin ang aking mahal.

Makalipas ang ilang buwan, tayo'y muling nagkita ng hindi sinasadya. May kasama ka ng iba, puso kong lalo atang nagiba. Akala ko hindi na kita mahal, pero hanggang ngayon ako'y nasasaktan. Tila bumalik ang lahat ng sakit, lahat ng alaala ay nanumbalik. Bumalik ang pagmamahal na nakakasakit. Paano na naman ako ngayon? Uulit na naman ba ako sa panahong pinipilit kitang kalimutan? Kaya ko ba talaga na kalimutan ka? Kasi kahit anong pilit ko, mahal talaga kita.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon