Patawad

15 1 0
                                    

Patawad
—Prose

Hindi mo kailangan na magpanggap na ayos lang ang lahat. Simula ng ako ay magtapat, nawala na ang dating tayo. Alam ko na mahalaga ako sayo, pero yung pagpapahalaga na yun ang ayoko. Iniisip ko kung kaya ko ulit, kung kaya ko ulit na makisalamuha sayo na wala itong pagmamahal ko sayo. Simula ng magtapat ako hindi na ikaw ang bestfriend ko, alam ko may lapat na ang pagkakaibigan na ating binuo. Hindi natin kailangan na pumunta sa iba't ibang lugar para matawag tayo muling bestfriend, sa aking pagtapat halos doon pa lang parang hindi na tayo magkakilala.

Alam ko na gumagawa ka ng paraan para bumalik ang dating tayo, dating tayo na wala pa akong nadaramdaman para sa'yo. Pasensiya ka na hindi ko kaya na magpanggap na parang walang nangyari para lang maisalba yung dati. Intindihin mo sana na hindi madaling magpakawala ng nararamdaman at ngayon para akong nakakulang, bihag ng pag-ibig na ako lang ang umiibig.

           patawad
           ako'y naging huwad
           pasensiya at ikaw ay aking minahal
           kahit alam kung bawal
           dahil may iba ka ng mahal.

Patawad, ako ay lilisan na. Alam kong darating ang araw na kaya ko na ulit balikan at sariwain ang ating alaala. Sa ngayon, paalam na muna. Pipilitin kong kalimutan, ang nararamdaman ko para sa'yo sinta.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon