HINIYA NG NAKATALIKOD
ngiti ay pati sa mata ko makikita
sa hindi inaasahan bigla itong nawala
nakarinig ako ng mga salita na hindi ko inaakala
kami ay kanilang pinag-uusapan na tila nakakatuwa
nawala ang matamis na ngiti napalitan ng ngiting nakakasigwa
pinilit ngumiti at pinagpatuloy ang ginagawa
bigla ako nagpaalam bilang pagbibigay galang sana
mukha nila'y tila hindi maipinta
natawa ako sa aking isipan dahil sa kanilang awra
nag-aalala ba sila sa aking presinsya?
gusto ko malaman sana nila na kanina pa ako nakikinig sa kanila
mas pinili ko na lang ngumiti at huwag magpahalata
umuwi ako na tila walang narinig na hindi maganda
pinilit kong ngumiti sa harap ng aking pamilya
walang lumabas na salita sa akin ngunit ako'y tila nawalan talaga ng gana
ginaganito kami ng dahil lang sa ganito kami talaga
mahirap at tila pati sariling pamilya ay inaalipusta
darating din ang araw at mag-iiba
itataas ko ang aking pamilya
hindi ko hahayaan na lagi na lang kaming pinapahiya
umaasa ako na darating din ang araw na kayo ay mapapasabi ng pamilya namin sila.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesíaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...