PAGTATAPAT
Aking pinaghandaan
Ang akin sanang gagawin ay iyong hangaan.Puso ay tila sa kaba ay sasabog
Ang aking sikmura ay nahahalughog.Sa una ay hindi alintana ang gagawin
Ngunit ng makaharap ka hindi na alam ang gagawin.Tuhod ay nangnginginig
At nalipat na lang ang paningin sa sahig.Hindi ko na alam ang salitang sasambitin
Nilakasan ko ang aking loob ng makita ko ang mata mong kay ningning ng isang bituin.Gusto kita, matagal na
Ang tanging aking nasambit sinta.Sa mga mata mo ay may bahid ng pagkagulat
Ako'y napapikit at hindi alam kung mata ay imumulat.Sa aking pagmulat ay kasabay ng iyong pagyakap
Ang aking pakiramdam ay tila ako'y nasa ulap.Gusto din kita
Ang tanging sinambit mo sinta.Bawat iyong salita
Ay nakapagpamulat muli ng aking diwa.Sa pagkakataon na ito
Alam kong magsisimula pa lang ang ating kwento.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...