NGITI BINIBINI
Sa kabila ng sakit, alam jo na may gamot. Huwag mong hayaan na ika'y kainin ng lungkot, magpahinga ka kung ika'y pagod. Huwag mong hanapin kung ano ang mga wala sayo. Tanggapin mo kung ano ang meron ka, pahalagahan mo ito at ipagmalaki sa iba. Ika'y may angking talino at ganda, huwag mong hayaan na ibaba ka nila.
Ika'y bukod tangi, may taglay na kabiha-bighani. Huwag mong ibaba ang sarili mo sa mga taong nangbababa sayo. Tanggapin ang mga bagay na wala ka at sanayin mahalin ang kakulangan mo. Walang perpektong tao sa mundo, lahat tayo'y may itinatagong baho. Huwag kang maging mapanghusga para hindi ka maging tulad nila.
Ngiti binibini,
Huwag ka pagagapi—
Sa mga taong mapang-api.Ngayon ay ngumiti ka, sabihin mo sa sarili mong, Mahal Kita.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...