Pangako
Isang salita na binubuo ng pitong letra,
Isang salita na pinanghahawakan ng lahat,
Isang salita na kapag sinira,lahat mawawala.
Mawawala nalang ito na parang bula.
Mga pangako noon nasaan na ngayon?
Mga pinagsamahan ay unti unting nawawala ng dahil sa mga pangakong unti unting nasisira.
Mga alaala na mahalaga,mga alaala na nakapagpapasaya,mga alaala na di makalimutan at alaala makapagpapaalala ng pangakong pinutol ng dahil sa isang pagkakasala.
Mga pangakong kay daling sabihin pero kay hirap tuparin.
Mga pangakong nag uumpisa sa mabubulaklak na salita na nagtatapos sa mga pangakong puro lang salita at kahit isa ay wala man lang nagawa.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...