Untitled
Sa kalasingan ikaw umamin
Sa katinuan ika'y hindi namamansin
Ako sayo'y napapatingin
Dahil sa ika'y nakatingin rin.Laging umiiwas tingin
Kapag ika'y aking napapansin
Nararamdaman mo para sa akin
Hindi ko lubos akalain.Dala mo'y gitara
Sa pagkakataon na ito'y ika'y nangharana
Gamit ang kisap-mata na kanta
Tila ika'y nabahala pa.Sa mga kulitan na maaaring magkasakitan
Ako'y hindi mo pinapabayaan
Kahit sa mga simple mong pamamaraan
Ako'y iyong pinoprotektahan.Natutong ika'y magustohan
Wala akong pinagsabihan
Sarili ay pinabayaan
Kaya mas lalo kang nagustohan.Barakada mo'y tila alam ang lahat
Sa harapan nila pinaaalalahan mo ako na laging mag-ingat
Tila dila ko'y nakagat
Kapag barkada mo'y sumasabat.Para raw akong parabola
Kahit na masugatan siya
Pilit pa ring hahawakan niya
Huwag lang akong makawala.Sa tuwing gagabihin
Sa kasama ko ang dami mong bilin
Tila kapag may nangyari sa akin
Sila ang iyong sisisihin.Halos alam nila ang iyong nararamdaman
Ngunit ito'y hindi mo masabi sa akin ng harapan
Ika'y laging daw kinakabahan
Sa tuwing ako'y nasa iyong harapan.Ngunit tayo ay hindi bida
Iba pala ang babae sa iyong istorya
Ako'y isa lang palang kontrabida
Sa inyong istorya.Ika'y masaya na
Sa piling ng iba
Hindi ko lubos maisip na
Ika'y nasa piling na ng iba.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesiaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...