IKAW

12 1 0
                                    

Ikaw

Nakatingin sayo
Habang ika'y nasa malayo
Tinititigan ka at oras ay tila humihinto.

Pinapangarap na sana ako'y iyong mahalin
Pagkat lahat ay kaya kong gawin
Para lang ika'y maging akin.

Gusto kong sumuko
Gusto ko ng huminto
Ngunit kapag mata ko'y sayo ay napapako
Mundo ko pa rin ay tila humihinto.

Gusto kitang panghawakan
Nais kong ika'y hagkan
Ngunit naalala ko iba ang iyong kinagigiliwan.

Sa aking isipan binubuo ko ang ating istorya
Sa panaginip ko tayo'y masaya
Ngunit sa tuwing didilat at gigising ang mga bagay ay hindi kaaya-aya
Pagkat walang tayo kasi may ikaw at siya.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon