Hindi Ko Na Kaya
Tingin nila sa akin ay barumbado
Tambay lang sa kanto
Hawak lagi'y alak at sigarilyo
Buhay ko'y sobrang guloNabuhay akong walang ama
Hindi ko alam kung saan sumama
Maging ang aking ina
Sa ibang bansa'y pumunta.Bata pa lamang na kina lola na
Kasama ang mga kapatid na iniwan ni mama
Araw-araw talak ng talak si lola
Wala daw kaming k'wenta.Bunso ako sa tatlo
Kaya't laging talo
Takaw sa gulo
Buhay hindi alam kung saan patungo.Laging kasama ang barkada
Tambay lagi sa plaza
Lagi hawak ay bola
Laging sa langit ay nakatulala.Ako'y masasabing loko-loko
Buong barangay kilala ako
Ako raw ay isang gago
Pati sa mga babae ako'y maloko.Ako'y may pinagsabay
Dalawang babae sa aking buhay
Tila ginawa ko silang isang bagay
Wala ng ginawang tama sa buhay.Iniwan ako ng isa
Natira ang isa
Kami naman ay naging masaya
Ngunit may kapalit pala.Siya'y dinapuan ng sakit
Sa sakit ay namilipit
Lumaban ng pilit
Kahit sobrang sakit.Dumaan ang mga araw
Tila ayoko na gumalaw
Sa isip ay may bumubulahaw
Sa pagmamahal ako'y uhaw.Isang araw ako'y nalasing
May hawak na tali ng magising
Ako'y humalinghing
Naghanggad na hindi na sana nagising.Naghihinanakit
Hindi makapag-isip
Ako'y naiipit sa tanong na bakit
Bakit ina, tila hindi mo kami naiisip?Sa tuwing lasing
Tali, kutsilyo, ang aking hanap
Sa tuwing nalalasing ayaw ko na gumising
Gusto ko na matapos lahat ng ganap.Pamilyang sira
Buong pagkatao ko'y nasira
Dito sa mundo nais ng mabura
K'wento ko'y nais ng isara.Makakatakas pa kaya?
Sa kapalaran na sa akin sy itinadhana?
Ako'y pagod na
Nais ng magpahinga
Hindi ko na kaya.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...