SALOT

15 1 0
                                    

SALOT

mundo at tayo ay may pinagdaraanan
  bawat dalubhasa ay nahihirapan
  bawat isa ay hindi alam ang paroroonan
  marami ring pagbabago sa ating agimatan.

epidemyang ito ay isang salot
  dala ay pasakit at lungkot
  karamihan ay natatakot
  puso nila'y may lamat na ng poot.

marami ng buhay ang nakitil
  ngunit hindi talaga nawawala ang mga mapaniil
  impormasyon ay laging tila ay may pumipigil
  maraming mali ang nasisingil.

sa epidemya na ito sana tayo'y magtulungan
  huwag puro idaan sa sisihan
  bagkus tayo ay magkaisa at magtulungan
  malalampasan ang lahat kung bawat isa ay pahahalagahan.

may bagong wangis ang isang bayani
  sumunod sana tayo pagkat sila ay sa atin lamang ay kumakandili
  lahat sila ay sa atin ay humahalili
  pasasalamat sa kanila ay huwag nating itangi.

epidemyang walang lunas
  labanan natin ng walang humpas
  huwag idadaan sa rahas
  kakayanin natin to hanggang sa wakas.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon