Kadiliman na pilit kinakalimutan

40 3 1
                                    

Kadiliman na pilit kinakalimutan

Nag iisa sa isang sulok
Tila Wala man lang makitang kahit anu
pilit winawaksi sa isip ang mga bagay
Na dulot ay pighati......
Dating makulay na Mundo tila nagbago
Napuno ng lungkot dating saya nito.

Liwanag na minsan ay masakit sa mata ngunit ngayon ay tila hinahanap hanap ko na.
Pagkat buhay ko ngayon puno na ng galit at pagdurusa at tila' y napupuno na ng kadiliman.

Nais muling maibalik ang dati
dating ngiti, dating sigla, at dating ako na punong puno ng pag asa.
Nais muling makamtan ang liwanag na nais
At makapagsimulang muli.

Makapagsimulang muli ang tanging minimithi
Makalimutan ang lahat ng pangyayari na dulot lamang ay sakit
Makitang muli ang liwanag at makalaya sa dilim ng nakaraan.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon