Paningin

12 1 0
                                    

Paningin
-Soneto

Paligid ay nababalot ng dilim,
Nag-iisang tumatangis,
Tila lahat ng bagay ay isang lihim,
Nagdadalamhati't tila putol ang bagwis.
Dilim lamang ang nakikita,
Poot ang bumabalot;
Nawawalan na ng pag-asa,
Buong pagkatao'y nayayamot.
Nag-iisa sa isang tabi,
Magmulat man o pumikit,
Walang ibang nakakarinig sa bawat hikbi,
Purong kadiliman ang sa akin ay nakakabit.
Paningin ay wala makita,
Maging boses ko'y walang lumalabas na salita.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon