Ayos Lang Ako

8 1 0
                                    

Ayos Lang Ako
-Viator Poetry

Ayos lang ako,
Laging sambit ko,
Hirap man ako,
Kinakaya ko.

Ang mga katagang,
Ayos lang ako,
Wala talagang,
Katotohanan.

Naghihinagpis,
Sa isang silid,
Ayos lang ako,
Ayos nga lang ba?

Pinipilit kong—
Maging malakas,
At sabihin na,
Ayos lang ako.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon