Sakit
Pinili ko na mapag-isa
Inilayo ko ang aking sarili sa iba
Hindi ko hinayaan na muling may mapalapit pa
Pinagod na ako ng tadhana
Pinagod na ako ng bawat taong aking nakakasalamuha
Pinagod na ako ng bawat isa
Punong-puno na
Wala ng mapagsidhan pa
Puso ko'y punong puno na ng pagdurusa
Sarili ay gustong kumawala
Bawat sakit ay kumakawalang luha
Luhang dulot ay sakit na ayaw mawala
Nais ng makawala
Sa mundong may mapagbirong tadhana
Puso at isip ay nais ng mamahinga
Ngunit hanggang ngayon ay lumalaban pa at humihinga
Sa mundong puno ng mga taong mapanghusga.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesiaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...
