KAALAMANG WALANG MAKAKAAGAW
Pinasok ang larangan kung saan wala naman talaga akong alam,
Mga ideya tila akin lamang hinihiram.Pagbabasa ang aking unang kinahumalingan,
Pagsusulat ay tila para sa akin ay laro-laro lamang hanggang sa akin na itong kinahiligan.Habang tumatagal ay unti-unting natututo
Dahil na rin sa mga taong sa akin ay nagtuturo.
Mga bagong kaalaman ay waring akin lamang
Walang makakaagaw at mananatiling akin lamang.Aking pagmamay-ari ay aking aangkinin,
Magsisilbi itong sa akin.
Hihigitan pa aking kaalaman,
Para sa sariling kapakanan.Unti-unting natututo,
Unti-unting pa ring matututo.
Kaalaman ay magsisilbi sa aking isipan
Kaalaman ay siyang magsisilbi sa aking tagumpay pagdating ng araw.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoetryPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...