Senses

11 1 0
                                    

Senses

May mata ka na nakakakita,
Bakit nagbubulag-bulagan ka?
Hindi mo man lang ba naisip na—
May maitutulong ka?

May pandinig ka,
Bakit nabibingi-bingihan ka?
Ayaw mo ba talaga?
Dinggin mo ang hinanaing nila.

Nakakapanlasa ka po,
Bakit hindi mo sabihin ang totoo?
Bakit pilit mong tinatago—
Kung ano ang totoong nalasahan mo.

Nakakahawak ng mga bagay,
Bakit hindi ka mapagbigay?
Bakit lahat gusto mo iyo lamang?
Huwag kang mangmang.

May mga bagay na mayroon tayo,
Pero wala lang para sayo,
Matuto kang makuntento,
Hindi ka perpekto.

Baka bukas paggising mo,
Lahat ng mayroon ka ay maglaho,
Paano ka tatayo?
Sa kung nasa isip mo lang ay ang sumuko—

May mga tao na nasa paligid mo,
Gamitin mo ang pandama mo,
Gamutin mo ang sugat mo,
Nang maiahon mo na muli ang sarili mo.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon