Aking pagkakamali
May mga bagay-bagay
Na Hindi natin inaasahan
Na mangyayari .
Hindi natin inaasahan
Na masasaktan tayo ng husto
Sa desisyon
Na tayo mismo ang gumusto.Pinapakomplikado ang isang bagay
Na sana sa una palang dapat itinigil na upang
Hindi na mas naging komplikado pa.Nasa loob ako ng isang triangolo
Trayangolong walang sukat
Kundi triangolong puno ng sakit hinanakit at panloloko.
Sakit ay gusto ng mawala,
Makawala sa desisyong ako lang din naman ang may gawa.Nagmahal lang naman din ako
Pero bakit napakakomplikado?
May mali ba sa akin?
Mas mas malala pa ba sa nararamdaman kung sakit?
Nararamdaman niyo din ba ang nararamdaman ko?Yung tipong hindi mo na alam kung saan ka lulugar.
Alam kung mali
Alam kung ako dapat yung bumitaw,
Pero paano ako bibitaw ang pagmamahal ko sayo ay nangngingibabaw.Bakit kasi hindi nalang ako?
Bakit parang mahal mo ako pero mas matimbang siya dyan sa puso mo?
Bakit kasi dalawa kaming mahal mo?
Mahal mo ba talaga ako?
Totoo nga ba ang lahat ng pinapakita mong pagpapahalaga sa akin.Paano mo naaatim na panuoring kaming dalawa na nasasaktan?
Para kang manhid hindi mo man lang ba inisip ang nararamdaman namin.Sa larong ito tila mababaliw na ako
Tanga ko rin kasi eh
Pinatulan kita.
Pinatulan ko ang taong may mahal naman na iba.
Minahal ko ang taong mahal daw ako pero may taong sobrang mas minamahal niya at kahit kailan wala akong laban.Sa larong ito sobra na akong nasasaktan pero sa larong ito mukhang ang saya mo.
Para na akong pinapatay sa tuwing gabi ay sumasapit, pinapatay ng sakit nan kahit kailan ay hindi mo mapupunan ng pagmamahal pagkat pagmamahal mo sa akin ay tila pampalipas oras lang.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesíaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...