Munting pangarap na unti-unting umaangat

54 3 1
                                    

Munting pangarap na unti-unting umaangat

Ako ay isang estudyante lamang
Sinple ang pamumuhay at nag aaral lamang sa isang pampublikong paaralan.
Mga damit ay di hamak na mahal, pera ay laging sakto lamang, at paminsan - minsa'y nagkukulang.
Hindi makapunta sa mamahalin at magagandang lugar
Dahil kapos at walang sapat na perang pagkukunan.
Mga magulang ay may simpleng ikinabubuhay
Upang maging sapat sa pang araw araw.
Minsa'y laging ugat ng kanilang pag aaway ay ang kakapusan sa pera at pangangailangan sa pang araw araw na pamumuhay.
Mga sinpleng pangarap na.. mag- aral sa kahit anung paaralan, makapatapos sa pag aaral at mabigyan ng magandang kabuhayan ang pamilya ay tila tumaas pa simula ng makapanood ng iba't ibang series at mabasa ang ibat ibang uri ng kwento, pananaw ay nabago.
Nangarap  na maging bida sa istoryang napapanood at nababasa
Ninais na makapunta sa paaralang sikat, magkaroon ng kaibigan na totoo anu man ang estado sa buhay, magkaroon ng una at huling pag ibig , makatapos sa pag aaral at makapagpatakbo ng sariling kompanya upang pamilya ay guminhawa.
Mga pangarap na nabubuo lamang sa imahinasyon at di alam kung panu magiging totoo, pagkat buhay ko ngayo'y sobrang gulo.
Isa sa hindi ko iniisip ay lovelife, nag iimagine nalang ng mga bagay-bagay, kulang ang perang pangastos, nasa paaralan na hindi sobra ang taas ng quality, laging pinag aawayan ng mga magulang ang pang financial, wala pang maisip na kurso at hindi pa sigurado kung makakapag aral pa ba sa kolehiyo.
Tila mga pangarap ay maisusulat nalang muna sa libro
Dahil wala pang kakayahan kung ito ba ay magiging totoo.
Isusulat sa libro na ang sarili ang karakter ang bida sa kwento
Pero sa totoong mundo lahat ay salunggat lamang pati pangyayari tila lahat ay pang imahinasyon lamang.
Sa ngayon mga munti kung pangarap ay unti unting umaanggat
Peri ako at estado ko sa buhay ay tila isang bagay na hindi umaanggat at di kayang ianggat.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon