Magsasaka
Magsasaka ang isa sa pag-asa ng mundo,
pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng tao.
Ating pahalagahan ang uri ng kanilang trabaho,
sa kanila'y dapat tayong sumaludo.Sa bawat ating kinakain puhunan nila'y kanilang dugo at pawis.
Pinipilit maging matatag para sa pamilya
at sa buong ekonomiya.
Sakuna, pera, peste, at kung anu-ano pa,
ang pangunahing problema.
Kakapusan sa pera kaya't pamilya ay dumaranas ng pagdurusa.Para sa pamilyang kanilang binubuhay,
sila ay nagpapakatatag sa buhay.
Mabaon man sa utang,
basta mga anak ay makapag-aral.Sumaludo tayo sa mga magsasaka,
trabaho nila ay hindi basta-basta.
Atin silang ipagmalaki sa buong mundo,
sipag at tiyaga sa kanila ay sumisimbolo.
BINABASA MO ANG
PROSE AND POEMS (COMPILATION)
PoesíaPROSE AND POETRIES COMPILATION Naglalaman ito ng lahat ng prose and poetry na ginawa ko. Iba't ibang genre, poetry form, prose ang nakapaloob dito. Lahat ng nakaformal form na poem ko ay may nakalakip naman ng pangalan kung ano ang ginamit kung form...