Magulang

22 1 0
                                    

Magulang
(Paglalarawan)

Mapalad tayo na nagagawa natin ang ating gusto dahil na rin sa kahanga-hangang ating mga magulang. Di-mabilang na pagsasakripisyo ang kanilang iniaalay para lang tayo'y mabuhay. Taglay nila ang pambihirang lakas at pag-uunawa na wari'y walang katapusan para lang anak ay mabuhay.

Tunay na sila ay isa sa ating mga bayani na ating maipagmamalaki dito sa mundong ating ginagalawan. Nariyan sila lagi para tayo'y tulungan, kapag tayo'y nagkakaroon ng problema o kaya'y nasasangkot sa gulo ay isang yakap lang nila ay ramdam mo na ika'y ayos na. Matatagpuan sa kanila ang tunay na saya na sa kanila lang natin mararamdaman. Kabiha-bighaning sila'y nakangiti pa rin sa kabila ng problemang kanilang pinapasan.

Sila'y isang bahagi sa ating pagkatao na kahit kailan ay laging bahagi at hindi maalis kahit na lumipas man ang kahit na ano.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon