MUNTING PAGBABAGO

13 1 0
                                    

Munting pagbabago

Mahirap talaga masanay sa isang bagay na walang kasiguradohan.
Parang ako mismo ang dahilan kung bakit ako ngayon ay nahihirapan.
Mga masasayang pangyayari ay tila nakatatak na sa aking isipan.

Dumating ang araw na marami ang nagbago,
Tila bawat araw ay nakakabigo.
Lahat ng mga binuo ay gumuho,
Hindi alam kung saan ba talaga ito patungo.

Ngayon ay iniisip ko pa rin,
Ano ang aking nagawa para lahat ng ito ay aking danasin.
Opinyon ko ay hindi na pinapasin.

Mga munting pagbabago ay mahirap,
Nakasanayan ko ay hindi ko na muling mahaharap.
Pader na isa ako sa bumuo ngayon ay bumabagsak,
Hindi ko maiwasang isipin ako ay isa sa naging palpak.

PROSE AND POEMS (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon