PROLOGUE

537 10 0
                                    


MASAYANG masaya ang Santini Royal Empire sa gaganaping 11th birthday ng kanilang panganay na si Princess Ivory Santini, pero halata sa mga mata ng prinsesa na hindi siya masaya. Mas gusto pa niya na magcelebrate ng sila lang, walang ibang bisita, camera, media, at kung sino sinong nasa bahay nila. Pagkatapos ng photoshoot nila, dumiretso sya sa veranda para magpahangin. Napansin niya ang isang batang lalaki na sa tingin nya ay kaedad nya lang. Papalapit na sya dito pero naunang lumingon ang batang lalaki.





"Magandang gabi Princess Ivory" tumungo ito bilang paggalang.





"Magandang gabi rin saiyo. Anong ginagawa mo rito?"





"Wala po prinsesa, gusto ko lang pong magpahangin"





Nagulat si Princess Ivory ng umupo sa mataas na balkonahe ang batang lalaki. Nakita naman ng bata ang reaksyon ng Prinsesa.





"Wag kang mag-alala prinsesa, ligtas ako dito"





At nagtawanan silang dalawa, dumaan ang ilang oras ng hindi na nila namamalayan . Maya maya ay may narinig silang putok ng baril. Nagulat ang prinsesa at...





"Halika na mahal na prinsesa, ihahatid na kita kung saan ka magiging ligtas" yaya ng batang lalaki.





"Paano ang daddy ko?" pag-aalalang tanong ng prinsesa





"Kami na ang bahala sa kanya"





Nagtaka si Princess Ivory sa sinabi ng batang lalaki pero sinunod nya na lamang ito. Dumaan sila sa isang lagusan na hindi alam ni Ivory na may ganoon palang lagusan doon.





"Mahal na prinsesa dumiretso ka na, magpapaiwan ako at ililigtas namin ang iyong ama"





"Hindi, sumama ka saakin. May mga guards naman sa loob, kaya na nila yun. Halika na" hinila ng prinsesa ang kamay ng batang lalaki pero pinigilan nya ito





"Hindi, trabaho ko to, trabaho namin to kaya sige na. Diretsuhin mo lang ang daan na iyan at makikita mo na doon ang mga kapatid at ang iyong ina"





Hindi na nakapagsalita ang Prinsesa at isinara na ng batang lalaki ang pintuan ng lagusan. Dumiretso ang prinsesa gaya ng bilin ng bata. Paglabas nya doon ay nakita nya ang kanyang ina. Mahigpit na yakap ang natanggap nya sa kanyang ina.





"Mom, where's dad? We need to find him"





"Don't worry baby. Your dad is fine."





"Paano? Baka kung napaano na siya sa loob. I need to go there. At saka yung bata na kasama ko kanina. I need to save him"





"Shhhh. Baby you need to calm down. Sila na ang bahala dun"





Wala na akong nagawa. I couldn't save him. Sana okay lang sila.





---






CHARACTERS

Bae Suzy

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon