Ranz
ALAS ONSE ng umaga kami nakauwi sa bahay, balak magshopping ni Shane mamaya kaya sasamahan namin siya. Umupo naman kami ni Tyler sa sofa para manood ng tv habang iniintay ang nilulutong pagkain ni Shane.
"Alam mo pare, ang sama naman ng ugali noong Shea na yun?" nakita din ni Tyler kung paano sipain ng babaeng yun yung nerd.
"Kaya nga, boss daw sya. Pagmamay-ari ba nya yung school na yun. Tinitingala pa sya ng ibang estudyante e demonyo naman ang ugali, pinagtataka ko lang din bakit galing sya sa Kentwood noon, kasama nya pa si Vienna? Ano bang meron sa kanila doon? Noon ko lang sya nakita. Kamukhang kamukha pa nya si Ivory" maraming tanong ang bumabagabag sa akin.
Wala akong mahint na magandang dahilan para sa lahat ng katanungan ko. Magulo, sobrang gulo.
Napagdesisyunan namin ni Tyler na maglaro ng Xbox at halos mapatalon ako sa gulat ng tumunog ang cellphone ko.
Mom calling...
Pinindot ko yung facetime para magrequest ng videocall kay mommy. Miss na miss ko na sila.
"Hi mom!"
[Oh my god anak! Imissyou!]
Bigla namang nagsulputan si Daddy, Calyx, Calvin, Victoria at ang Mahal na Hari at Reyna.
"Shane punta ka muna dito! Nasa facetime ang Royal Empire! Nako mommy miss na din po kita"
"Hi po tita, hi guys! Hi King Harry and Queen Dalia." sabat naman ni Tyler, tumayo pa at nagbow
[Hello!] sagot nilang lahat
[Kamusta naman kayo?] tanong ng hari
"Okay lang naman po kami dito King, maganda po dito at saka malaki po yung school" tuwang tuwa naman si Shane habang nagkukwento. "Ay teka yung niluluto ko nasusunog na! Waaaaaah!" tumakbo naman papunta sa kusina si Shane.
Tawa naman ng tawa sina mommy sa line, kakamiss din pala sa palasyo.
"Boys, pupunta lang ako sa Gucci at Prada, magikot muna kayo sa boys hub" iniwan na kami ni Shane. Ayaw din naman naming pumasok sa bilihan ng abubot ng mga babae, kakahilo tingnan.
"Ano bro, san tayo?" tanong ko kay Tyler, nagiisip naman din sya, wala din akong idea kung saan kami pwedeng pumunta.
Sa laki kase ng mall at sobrang dami ng pamimilian, sa huli nauwi kami sa Oxygen. May mga pangbabae din dito pero ang bibilhin lang yata ni Shane ay bag, kokonti daw kasi ang bag na dala nya.
Nagsusukat ng damit si Tyler sa fitting room, nakaharap naman ako sa labas habang nakaupo sa sofa sa loob ng store.
Hindi na ako nagtataka kung sino yung babaeng nasa labas ngayon na may kasama na dalawang matanda at kapatid nya siguro yung isa. Humarap kasi sa gawi namin kaya nakita kong si Shea pala yun.
Inaya naman nung kapatid nya na pumasok sa Oxygen yung mga magulang nya. Humarap sila sa store at nagtama ang paningin namin nung lalaki na nasa 40s ang edad at nagulat naman sya. Pamilyar din sa akin ang mukha non, parang nagkita na kami somewhere. Lumipat ang tingin ko sa iba pa nyang kasama, yung babae na kasing edad ni Mama, pamilyar din sa akin.
Nakita ko namang nakaawang ang bibig ni.. Vienna. Oo si Vienna, kasama nila ito, kapatid nya ba si Shea? Bakit magkasama na naman sila?
Nagmadali silang umalis at nakita ko naman sa mga mukha ni Shea ang pagtataka. May pinagtataguan ba sila?
Maya-maya pa ay lumabas na si Tyler, nawala ang konsentrasyon ko sa pamimili ng damit kaya sabi ko kay sa kanya bilhin nya na lang pareho.
Lumabas na kami ng store at luminga linga muli ako para hanapin sina Shea pero hindi ko na muli sila nakita.
Dumiretso kami sa tapat ng Gucci para hintayin si Shane. Sinilip ko ang loob upang hanapin si Shane at namataan kong may kausap siya. Papasok na sana ako ng pigilan ako ni Tyler dahil may itinuro sya sa aking isang store pa ng branded na damit.
Tinulak naman nya ako at wala na rin akong ginawa kung hindi sumama sa kanya.
Tatanungin ko na lang si Shane tungkol doon mamaya pag uwi namin.
Tahimik lang akong nagdrive pauwi, napansin kong hindi rin mapakali si Shane sa backseat. Umidlip naman si Ty kaya hindi nya napapansin ang ibang kilos ni Shane.
"Shane!" halos mapatalon sya sa gulat ng tawagin ko
"We need to talk later, sa bahay" tumango lang sya at wala ng imik na tumingin sa labas.
Pagkadating namin sa bahay ay umakyat ako sa kwarto ko, nilapag ko ang napamili kong damit at nagshower. Pagkatapos ay lumabas na ako para puntahan si Shane sa kwarto nya.
Kumatok ako ng tatlong beses at pinagbuksan nya naman ako. Hindi sya tumitingin sa akin at naupo sya sa kama nya.
Alam kong may bumabagabag sa utak nito at halata naman iyon sa kilos at galaw nya.
"Anong problema Shane? Tell me." tumingin sya sa akin at may takot sa mga mata nya.
"Ang mga Hernandez, kinausap nila ako. Akala nila hindi ko kayo kasama. Sinabi ko rin na hindi ko naman kayo nakikita dito" hindi pa rin sya makatingin sa akin, nanginginig na rin ang mga kamay nya.
"Then?"
"Nakita kong kasama nila si Vienna--"
"Yeah, nakita ko rin sila sa tapat ng store ng Oxygen kanina" nagulat naman sya
"Sinabi nila sa akin na wag ko daw sasabihin sa Kentwood na nandito sila, hindi ko nga sila pinansin tapos ganun na lang ang sasabihin nila. Kapag daw hindi ko yun sinunod..."
"Ano?"
"Papatayin daw nila ako" nanlaki ang mata ko. Nagdidikit dikit ngayon ang mga clue sa utak ko.
Hindi, hindi ako pwedeng mag assume. Baka ako ang mapahiya, ako na lang ang hahanap ng sagot sa mga tanong ko. Ako lang at wala ng iba pang dapat madamay.
"Wag kang mag aalala, hahanapin ko ang sagot sa lahat. Sabihin mo sa akin kapag nilapitan ka ulit nila. Kaharap ba nila si Shea nung sabihin nila sa iyo ang lahat ng yon" humarap naman sya sa akin.
"Hindi, si Vienna lang at ang mga magulang nya ang kausap ko. Nakita ako ni Shea pero hindi sya lumapit sa amin. May naiisip ako sa lahat ng sinabi at nangyari. Maaaring may kinalaman sila sa nangyari kay Ivory noon at... naiisip ko rin na baka si Shea at si Ivory ay iisa"
Tumigil ako saglit. Malapit ng masagot lahat, kailangan bago ko ito sabihin sa iba ay tama ang hula namin.
Siguro nga ay iisa sila pero bakit hindi man lang nya ako naaalala?
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...