Special Chapter of Calvin Zei Santini.
Calvin
KASALUKUYAN kaming nasa gym ngayon for orientation, nakakaboring pero wala akong magawa. Hindi rin ako makalabas dahil sobrang daming tao, ang init baka madumihan uniform ko. Magkatabi kami ni Calyx at nina ate pati si kuya Ranz kaso umalis sila kase nagugutom daw. Dapat pala sumama na lang ako.
Hindi ko naman makausap ang kakambal ko kase busy sa paglalaro sa phone nya. Napipilitan tuloy akong panoorin yung mga walang kwentang sinasabi ng nasa stage ngayon. Naaaliw lang ako kapag mag nagpeperform.
"Okay, here's another performance from the Hammelton Diva, let us all welcome. Francine Lincoln" nang marinig ko ang pangalan ng babaeng kakanta sa harapan namin ngayon bigla akong nabuhayan.
Sya yung kasama namin mag lunch nung nag shopping kami nina ate sa mall. Sya yung crush ko.
Playing: The one that got away by Katy Perry
"Summer after highschool, when we first met" tumitig lang ako sa kanya habang kumakanta sya. She's totally perfect. Her brown waivy hair, her cat eyes, rosy cheeks, pinkish lips makes me fall in love with her.
"We make-out in your Mustang to Radiohead. And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos" medyo sumasayaw pa sya habang kumakanta. Naka uniform lang sya but she looks like a princess from a far.
Na love at first sight talaga ako sa kanya.
"Used to steal your parents liquor and climb to the roof. Talk about our future like we had a clue. Never planned that one day I'd be losing you" someday I want to plan my future with you.
"In another life, I would be your girl. We keep all our promises, be us against the world. In another life, I would make you stay. So I don't have to say you were the one that got away"
"The one that got away" your my TOTGA.
Natapos sya kumanta at kumaway muna sa mga students bago bumalik sa backstage. Habang abala ako sa panonood ay napatingin naman ako kay Calyx. Nakatingin naman sya sakin.
"Hey? Why are you looking at me?"
"You like her huh?" obvious ba ako masyado?
"Uhm"
"Oh c'mon bro. Halata sayo eh kanina pang kumikislap ang mga mata mo hahaha" pailing iling pa sya sakin at tumatawa. "Kaso bro alam mo-ako gusto nun"
"Nako ka Calyx ha, pati ba naman sa babae magka-agaw tayo" napasapo naman ako sa ulo ko
"Dont worry bro, hindi ko naman sya gusto. Sayong sayo sya" tinapik naman nya ako sa balikat at tumayo paalis. Sumunod naman ako siguro hahanapin nya si ate. Nagugutom na din ako.
Dumiretso kami sa cafeteria at nakita namin si ate kasama si Kuya Ranz at yung mga kaibigan ni Ate Shane.
"Hi guys! Pwede ba kaming makijoin?" sigaw ni Calyx. Lakas lakas talaga ng boses pero pag iba ang kaharap laging tahimik.
"Oh nandito na ang kambal, sure sure upo kayo" mahaba yung table sa gitna kaya kahit ilang tao ang umupo dito ay kakasya.
Tinapik naman kami ni ate at umupo sa side nya. Mukhang katatapos lang din nilang kumain. Tinaas ko naman ang kamay ko para makita kami ng server, parang waiter sa resto. Ayoko kaseng pumila pa sa counter para lang umorder.
After kong umorder ng pagkain namin ni Calyx, kinuha ko ang phone ko sa bag. Hindi kase ako maka relate sa pinaguusapan nila. Seniors na sila, graduating na sila this year. Grade 11 pa lang kami, hindi naman nagkakalayo ang edad pero matured na silang mag-usap usap. Hindi ko na maintindihan kung anong pinagsasasabi kahit pa sobrang lakas ng boses ni Ate Shane.
Napansin ko naman na wala si Kuya Zac.
"Hey guys what's up?" lumingon ako sa may pinto ng cafeteria para malaman kung hindi ako nagkakamali
"Francia!" sigaw naman ni Kuya Tyler.
"Ano ba naman kuya pinapapangit mo na naman ang pangalan ko!" ang cute nya lalo pag nagagalit. Napansin ko naman na tumingin sya kay Calyx. Wala kaseng katapat si Calyx sa inuupuan naming table
(Bali ganito ang seating arrangement)
Francine Tyler Luke Peter Benj Shane
Calyx Ako Ate Ivory Kuya Ranz
(basta kayo na bahalang mag imagine)
"Ano kamusta ang pagkanta mo Francine?" tanong ni Ate Shane.
"Okay lang. As usual magaling parin hahahahaha. Pero nakakapagtampo kayo hindi nyo man lang ako pinanood"
Ako pinanood kita. Ang galing mo nga.
Dumating na yung inorder ko. Kinuha naman ni Calyx yung pagkain nya pero nakaharap parin sya sa cellphone nya. Nakikita ko naman na laging sinusulyapan ni Francine ang kapatid ko. Bwisit. Ako yung may gusto sa kanya hindi nya mapansin. Magkamukha naman kami ni Calyx bat sya pa.
"Gusto mo?" inalok ko naman si Francine ng burger. Tumingin naman saakin si Calyx at medyo natatawa pa sya sa ginagawa ko
"Huh? Sakin? Uhm thanks" tinanggap naman nya yung binigay ko. Nginitian nya pa ako bago buksan yun burger plastic na nakabalot at kumagat ng pabahagya.
Naramdaman ko naman na siniko ako ni ate sa tagiliran. Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Nakita ko naman na nakangisi sya at pati si Kuya Ranz. Masyado na ba talaga akong halata? Tss.
Hanggang 12 noon pa kami tumambay sa cafeteria. May isa pa daw tambayan sina Kuya Tyler pero hindi na kami umalis dito dahil may aircon.
Tapos na ang orientation dahil marami rami na din akong nakikitang estudyante dito na kumakain. Nakatingin yung iba saamin, pinagbubulungan, pinaguusapan at yung iba nakikipag agawan pa sa pag-upo malapit sa table namin.
Agaw pansin naman ang ingay mula sa labas ng cafeteria. Tiningnan namin kung sino yung mga babae na nambubully yata ng mga estudyante dito.
Sya yata yung babaeng nageskandalo sa party noon sa hotel. Hindi naman na ko magugulat dahil mukha naman talaga syang warfreak. Natawa naman ako dahil pagang paga ang nguso nya. Ano kayang nangyari dun?
Umiling ako at umupo ng ayos. Si Francine naman todo tingin talaga sa kakambal ko. Nahuli nya na nakatingin din ako sa kanya, lumaki naman ang mata nya at iniwas yun sakin. Namula pa lalo yung pisngi nya.
Napangiti na lang ako. Sana naman maramdaman mo na ako yung may gusto sayo. Kahit wala kang permiso, mamahalin kita kahit patago.
---
Next: First Chapter of Calyx Jade Santini
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...