Ivory
HINDI ko muna inisip ang nakita ko kanina dahil kasama pa namin ngayon si Victoria at ihahatid namin siya sa bahay nya sa Alley.
Nakakatuwa namang makita ang kapatid kong si Calyx na masaya habang nagkukwentuhan sila ni Victoria. Hindi alintana sa kanya na nabuhusan sya nito ng juice.
Dahil malapit lang naman ang Alley sa school ay madali naming naihatid si Victoria sa kanila, nakita ko rin kung paano matunaw sa tingin ang kotse naming sinasakyan habang nakatigil sa tapat ng paupahang bahay na tinitirhan ni Victoria.
"Maraming salamat po sa pag hahatid nyo sakin dito sa bahay ko. Pasensya na po at madumi ang paligid gustuhin ko man pong imbitahin kayo sa loob ng bahay kaso madumi pa po hindi pa ako nakakapaglinid dahil araw araw akong nagtatrabaho" napansin ko ngang sobrang dumi dito. Maputik at hindi maganda ang amoy ng paligid.
"Wala yun, naginsist naman kami na ihatid ka kaya okay lang yun" sagot naman ni Calyx. Iba talaga ang ngiti nya kay Victoria.
"Wag kang mahihiya sa amin Victoria, nandito naman kami palagi kung may kailangan ka" napangiti naman sya ng malaki ng marinig ang sinabi ko.
"Salamat po ate, sige po papasok na po ako. Salamat po sa inyo" kinawayan ko na sya at nauna na akong pumasok sa kotse dahil inaya na ako ni Ranz.
Napakahirap ng buhay dito sa Alley, hindi sila nakakaranas ng maayos na pamumuhay. Kaya nagpapasalamat ako na tatlong beses kami kumakain sa araw-araw.
Sumakay na muli ng kotse si Calyx at bakas sa mukha nya na parang nanalo sa lotto.
"Calyx nasaan ang magulang ni Victoria?" nagulat naman sya sa natanong ko.
"Ah ano, iniwan sya at sumama sa ibang lalaki yung nanay nya. Ayoko mang sabihin to pero balita ko pokpok daw ang nanay ni Victoria. Hindi ko naman naiitanong kung nasaan ang tatay nya" pagpapaliwanag ni Calyx.
Nakakaawa naman pala ang nararanasan ni Victoria. Kaya siguro sya nagtatrabaho sa bookstore para matustusan ang pangangailangan sa araw araw.
"I think matutulungan natin sya, scholar naman sya kaya hindi naman nya pababayaan ang studies nya. What if gawin natin syang personal maid nating tatlo sa bahay, pero ayokong tawaging personal maid si Victoria. I want her to be my sister too. She's so gorgeous at hindi halatang mahirap lang sya. Bagay nga kayo Calyx hahaha" nasamid naman sya sa sinabi ko. Gotcha!
"Hindi ba nakakailang naman yun ate?" iniingatan pa ni Calyx na hindi mautal pero halata naman
"Bakit ka maiilang kase gusto mo sya?"
"Ateeee!" tinawanan ko na lang sya, napailing ako dahil mukha syang batang naagawan ng kendi kung magdabog.
Gusto ko lang din magkaroon ng ka-vibes sa palasyo para hindi ako mabored. I'll ask mom and dad about it. At isusurprise ko na lang si Calyx. Hindi ko sasabihin sa kanya.
After few minutes, nakarating kami sa bahay. Hindi ako nakaidlip sa byahe dahil naglaro kami ni Ranz sa phone ko. Tawa ako ng tawa kase hindi sya marunong. Hindi sya marunong ng cooking fever hahahahahaha char
Dumiretso ako sa kwarto ko para mag shower, bumaba ako bandang 7 pm para sa dinner namin. Nakita ko naman na nasa dining na sina mommy at daddy kasama ang mga Imperial at ang mga kapatid ko.
"There you are! Lagi ka na lang late kapag kakain" reklamo ni Calvin
"Sorry brother" ginulo ko naman ang buhok nya
Nagsimula na kaming kumain at naghahanap lang ako ng tyempo para masabi kina daddy ang plano ko. Sana naman pumayag sila. Kinamusta naman nila kami sa first day namin at mas maraming kwento si Calyx kina mommy at daddy. Tinanong naman nila ko pero hindi ako makapag focus masyado at may kailangan akong sabihin sa kanila.
Inihatid na ng chef namin yung mga desserts. Tapos na kami sa main course, sumubo muna ako ng creamy cheese bavarian cake bago ako nagsalita.
"Mommy, daddy. Pwede ba akong humingi ng favor?" pamula ko
"Yes anak ano yun?" tanong ni mommy
"May estudyante kasi sa Hammelton na nakatira sa Alley, dun sa pinag-outreach program nyo last month? Scholar sya at nagtatrabaho sa bookstore. Mabait naman sya at mapapagkatiwalaan, pwede bang gawin ko syang personal maid ko. But hindi katulad ng mga maid natin dito sa bahay. Gusto ko rin kase na may babae dito sa bahay na makakavibes ko" nakatingin lang sa akin si mommy at daddy.
"If that's what you want baby. Do it, we trust you" sabi ni daddy. Napangiti naman ako ng malaki.
"Really daddy? Thank you so much" binalik ko naman ang tingin ko kay mommy at nag thank you din sa kanya.
Natapos kaming maghapunan, bumalik ulit sa isip ko ang nakita ko sa parking kanina bago kami umuwi.
Nakabalik na pala ulit si Vienna dito sa Kentwood.
Si Vienna ang ex ni Zac, naging sila nung Grade 8. Nabalitaan ko lang yun kay Shane. Pero ayaw ni Shane ka Vienna. Ewan ko kung bakit, sinabi nya saakin yun dahil alam ni Shane na may crush ako sa kapatid nya. Kaya naman sila naghiwalay ay umalis si Vienna papunta sa kabilang distrito para doon na manirahan. Hindi ko alam kung bakit nandito na ulit sya. 2 years din naging sila kaya hindi malabong bumalik ang feelings ni Zac sa kanya. Hindi kami okay ni Vienna, nagseselos sya saakin nung panahong sila pa.
Mas okay na yun, hindi parin kami okay ni Zac pero para sakin napatawad ko na sya. Naging mag bestfriend din kami, mas okay na nga yata siguro na hindi maging kami dahil mas pinahahalagahan ko yung label namin as a friend.
Umupo ako sa harap ng vanity table ko at kinuha sa ibabaw ang box na pinaglalagyan ng singsing na binigay nya sa akin. Ibinalik ko iyon sa box at itinago sa drawer.
Narinig ko naman ang isang katok na nanggagaling sa pinto. Tumayo ako para buksan iyon at bumungad naman sa akin si Ranz. May dala syang gatas.
"Here" Iniabot naman nya sa akin ang baso, tinanggap ko naman iyon at pinapasok sya sa kwarto. Inilapag ko iyon sa table sa tapat ng sofa at sinenyasan ko syang maupo.
"Nalaman ko kay Yaya Tess na pinuntahan mo ako sa kwarto ko noong isang araw nung hindi ako umuwi dito" umupo din sya sa tapat ko at nag crossed arms
"Ah oo, may dala nga akong gatas noon para sayo" sabi ko
"Napasaya mo ang araw ko ngayon" napatigil naman ako sa paginom ng gatas at tumingin sa kanya.
"Ako? Napasaya kita? Parang hindi naman?"
"Basta para sa akin. Napasaya mo ako"
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...