IvoryUMALIS muna si Ranz kase bibili daw sya ng pagkain para samin. Kokonti lang kase ang stock dito sa resthouse nya. Pinasok ko yung bag ko sa loob yung dalawa nauna ng maligo, excited kase sobrang ganda daw dito. Nilibot ko ang paningin sa loob ng bahay, may mini kitchen, dining, restroom, may maliit na stairs at bed sa taas. May aircon, treadmill at iba pang gym equipment.
Hindi ko ito napansin nung unang punta ko dito kase lutang ako that time dahil sa mga sinabi nya sakin. Nagpalit na ko ng navy blue na two piece ko at lumabas sa resthouse. Dire-diretso ako sa may likod ng falls, sarap kaseng umupo sa may batuhan.
"Ate ang ganda naman dito, hindi mo naman sinabi na may ganito pala sa Kentwood" umupo sa tabi ko si Calvin at inilahad nya ang kamay sa tubig na nanggagaling sa bundok.
"Hindi ko rin naman alam to eh, kung di pa ako dinala ni Ranz dito"
"Talaga? Kailan ka nya dinala dito? Nagdate siguro kayo no?"
"Oy hindi ha. Pinasyal nya lang ako nung dumating sya. Matagal na daw nyang alam to. Kanya din yang resthouse na yan"
"Ah akala ko nagdate kayo hahahaha. Bakit mo rin nga pala naisipang dalawin sya? Miss mo no? Nag aalala ka? Paano si Kuya Zac? Pinagpalit mo ba sya?"
Hay nako itong batang to!
"Tumigil ka nga! Bakit di ba pwedeng mag alala? At saka hindi pa kami ni Zac no? Nanliligaw pa sya at saka wala pa kong balak magboyfriend"
Tumawa lang si Calvin at tumalon na sa tubig. Sumunod naman ako at naghabulan pa kami. May swimming pool din naman kami sa bahay pero mas feel ko dito kase nakakarelax ang paligid. Hinila naman ako ni Calyx sa malalim na part, buti magaling akong lumangoy. Nagkarerahan pa sila ng paglangoy. Tawa naman ako ng tawa kase naghahampasan pa silang dalawa, madaya daw si Calvin.
Napakasayang makita na masaya sila. Paano kaya pag dumating na ang araw ng pagtalaga bilang Hari at Reyna ng Santini Royal Empire. Magkakaroon na kami ng responsibilidad noon. Magagawa pa kaya namin to?
Umakyat muna ako saglit at kumuha ng towel. May naamoy akong nakakagutom. Sumilip ako sa loob, nandito na pala si Ranz. Hindi ko man lang namalayan na dumating na sya. Inikot ko muna ang towel sa leeg ko bago ako pumasok.
"Hey!" Natulala naman ako ng makita kong naka apron sya pero walang pang-itaas at naka hawaian shorts.
"Uy okay ka lang?" nalingat naman ako ng hawakan nya ako sa braso.
"Ah oo uhm, nandito ka na pala ano ba yang niluluto mo? " iningatan kong hindi mautal.
"Hindi ko na kayo inabala kase mukhang masaya kayo kanina eh, dumiretso na ko dito para magluto ng spaghetti at bumili na din ako ng pizza, cheese pimiento ang flavor nyan. Overload cheese pa" favorite ko to! yey!
"Wow, tamang tama nung isang araw pa ako nagcrave dito! Favorite ko kase talaga to" nakita ko naman ngumiti sya at tumingin sakin.
"Talaga? Parehas pala tayo? Yan kase lagi ang binibili ni mommy sakin nung bata pa lang ako"
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...