Ranz
FIRST day namin ngayon, good thing iisa ang section namin ni Tyler, si Shane naman ay nasa Tourism Dept. Sabay sabay kaming pumasok sa school syempre, inihatid muna namin si Shane sa room nya.
"Sakto naman ang sched natin later, sabay sabay na tayong mag lunch. I texted Saizy na din malayo yata ang building nya sa college department kaya tinanong ko muna kung makakasabay sya. Sige na bye na okay na ko dito" kumaway na si Shane pero hinila naman sya ni Tyler
"Ingat ka" ganda ng ngiti ni tropa hahahaha
"Ikaw din" namula naman ang pisngi ni Shane. Hayss sana all
Umalis na kami dahil baka malate kami sa first class. Medyo malayo pa ang lalakarin, may 45 minutes pa naman kami pero mahirap na, college na kami ngayon at first day pa. Baka mapagalitan kami ng professor namin.
Dadaan kami sa hallway papunta sa field bago makarating sa Medical Dept. Shortcut ito papunta dun kasi mas malayo kapag sinunod pa namin ang hallway hanggang dulo.
Kinuwento ng registrar sa amin na kaya daw inilayo ang Medical Dept kasi delikado ang materials na ginagamit doon, maraming laboratory na may delikadong chemicals kaya mas malayo sya sa ibang building.
"Yeah they are in front of Medical Dept, Shea grab the arm of other nerd girl and she slap the face!" May kasunod kaming mga estudyante sa likod, alam kong rinig din ni Tyler kung anong pinagbubulungan nila.
Nagmadali kaming naglakad papunta sa Medical Dept, baka maabutan pa namin ang nangyayaring gulo doon. Ano bang meron sa school ito at nagagawa nila basta basta ang mga pangyayaring yan? Nahahayaan na may sinasaktan at binubully ang mga estudyante.
Nadatnan namin na maraming tao ang nakapaligid sa tapat ng Medical Dept. Sumiksik kami sa karamihan ng tao para makita kung anong ginagawa ng grupo nina Shea sa mga nerd na babae.
"I dont like you here! You ugly and a son of a bitch!" sinipa sipa nya pa yung nerd na babae.
Puro pasa at putok na ang labi nung nerd. Maya maya pa ay nakayang tumayo nung nerd at hinarap si Shea. Bigla naman nitong hinila ang necklace ni Shea dahilan para masakal ito.
"Fuck you! How dare you to touch my necklace and pull it to me? Huh! Are you a theft too? Hmm, maybe I'm not wrong because you are cheap!" inagaw nya yung necklace nya at sasampalin sana yung nerd pero agad kong nahawakan ang kamay nya para pigilan ang sampal.
"What are you doing, nanggugulo ka na naman bakit ba lagi ka na lang umeepal" nagtataka yung ibang tao dahil nagtatagalog sya sa akin.
"Lubayan mo na yan, wala kang awa" itinulak nya ako at nabitawan nya ang necklace, nalaglag ito sa bermuda.
Tiningnan ko ng maigi ang necklace na iyon at parang pamilyar ito sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan ng maigi. Marami paring tao sa paligid at nagbubulungan, hindi nila malaman kung ano ang nangyayari.
Kinuha ko ang car keys ko sa bulsa, inilapit ko yung chain sa necklace nya.
And it match.
Ganito rin yung ibinigay kong regalo kay Ivory, nung birthday nya. Sa pagkakaalam ko ay palagi nya itong suot noon, bago sya mawala. Limited edition ito kaya imposible na magkaroon sya nito.
"Bakit match ang necklace at ang chain mo sa keys?" nagtaka sya. Hindi ko rin alam kung tutuusin.
"I dont know but, we can talk after the class if you want. I have to go. Go ahead and let this girl out of your sight" umalis ako.
Wala na akong masabi pa. Gumulo lalo ang lahat, bakit ba kailangan pa kitang makita Shea. May dahilan ba lahat kaya tayo pinagtagpo ng tadhana?
Sa buong umaga hanggang lunch wala akong gana makinig sa professor namin, first day pa lang naman, kaya ko pang makuha yung tinuro nila kanina.
Nandito kami sa cafeteria, kasama na namin ngayon si Shane. Kinuwento ni Tyler kung anong nangyari kanina sa field. Nagulat naman sya nung sinabi ni Ty na match yung necklace at chain ko sa keys.
Maya maya pa ay dumating si Saizy, sinalubong ko naman sya ng ngiti. Student Assistant sya ng Vassar, baka kilala nya si Shea.
"Uhm Saizy, may itatanong lang sana ako" napatigil naman ang pag-uusap nila ni Shane.
"Yes po Kuya Ranz, ano po iyon?"
"Kilala mo ba si Shea?"
"Ah opo, yung Freshman na Mass Comm Dept. Y-yung kamukha ni Ate Ivory" humina naman bigla yung boses nya.
Pagkatapos na pagkatapos kasi ni Saizy ng Grade 11 sa Hammelton ay pumunta na agad sya dito sa Vassar para mag take ng exam. Hindi kasi sabay ang opening ng classes sa Hammelton at dito sa Vassar.
"Matagal mo na ba syang nakikita simula nung pumasok ka dito?"
"Ah opo, palagi ko silang nakikita dito, sya at yung tatlo nyang kaibigan. May gang din sila sa labas ng Vassar, hindi ko lang alam ang pangalan noon. Mababalitaan ko na lang na may nag drop na dito sa school dahil nabugbog sa labas o di kaya mismo dito sa school binubugbog. May sarili silang tambayan dito na yung members lang talaga nila ang nakakapunta. Nung una nagtaka ako kung bakit kamukha sya ni Ate Ivory. Tinawag ko pa nga sya noon, tapos tinanong nya lang sa akin kung sino daw yun, bigla namang sumakit ang ulo nya at dinala sya sa clinic ng mga friends nya akala pa nila inaway ko, muntik na akong mabugbog noon pero sabi ni Shea na wag daw kasi wala naman daw akong kasalanan" napakahaba ng kwento ni Saizy pero ganado akong makinig.
Malakas siguro ang impluwensya nya dito sa school kaya sya ganun.
"Kilala mo ba ang mga Hernandez? Yung magulang ni Vienna?" tanong ko muli kay Saizy
"Ah opo, nung graduation dito ng SHS, nandito sila. Dito nakapagtapos ng pagaaral si Vienna. Kaso ang balita ko ay papasok sya sa modelling next year. Sabay silang grumaduate ni Vienna. Maraming nagsasabi na magkapatid daw yun pero wala namang apelyido na ginagamit si Shea"
"Walang kapatid si Vienna" sabat naman ni Shane
"Kung ganon ay hindi--" naputol ang pagsasalita ko.
"Lets talk" dumating si Shea. "Follow me"
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...