Ivory
MULA nung magtext ako kay Zac nung linggo hindi nya ako nirereplayan, nagtanong naman ako kay Shane okay lang naman daw ang kuya nya. Hindi rin daw sya kinakausap. Hindi nga din umaattend ng training. Friday na ngayon at buong linggo nagtraining lang kami.
Marami na ring naituro saamin sina Ms. Saraya sa tulong ni Ranz. Magaling kase talaga si Ranz at lahat ay kaya nyang gawin.
Pina-pack ko na ang gamit ko kasi uuwi na kami. Nilagay ko ang tumbler at towel sa loob ng duffle bag, katatapos ko lang magshower. Tapos na ang training, naisipan kong dalawin si Zac sa bahay nila. Sasabay ako kay Shane. Nagpaalam na din ako kay daddy kaninang umaga.
"Alam mo naman bessy, moody si kuya baka di nya matanggap na nasipa sya ni Ranz" tumawa pa si Shane habang kinukwento kuya nya.
Kung nandito lang ang kuya mo nasapok ka na non.
Malapit lang naman ang bahay nina Zac sa hotel kaya hindi malayo ang byahe. Medyo pagod na rin ako pero gusto ko talagang makita at malaman ang lagay nya. Daig pa ang babaeng may menstruation kung maging moody.
Pinagbuksan kami ng katulong nina Shane ng gate. Binigay ni Shane ang duffle bag nya. Sumenyas din sya sakin na ibigay ko muna. Medyo mabigat din yung bag ko kaya binigay ko na din. Sumunod lang ako sa kanya papasok at nakita ko naman sa sofa ang mother ni Shane.
"Hi tita, how are you?" lumapit ako sa kanya at nakipag beso
"I'm okay hija. Bakit ka naparito?"
"Sinama ko sya Ma, gustong makita si kuya" sagot naman ni Shane.
"uhm yah tama po si Shane, 1 week ko na po kasing hindi nakakausap o nakakatext si Zac. Titingnan ko lang po kung okay sya" ngumiti naman si Tita sakin.
"Asan ba si kuya Ma?" nasa may kitchen si Shane nagtitimpla ng juice.
"Nasa pool, nagrerelax yata. Puntahan nyo na lang doon" tumingin naman saakin si Tita. "Feel at home hija"
Sinundan ko si Shane sa kitchen at binigyan nya ako ng isang basong juice. Hindi ko naman yun naubos. Hinila nya ako sa pool at sakto nakita namin si Zac na nagpalangoy.
"KUYA! MAY BISITA KA!" Kung hindi lang talaga ako sanay. Mapapatakip talaga ako ng tenga dahil sa lakas ng boses ni Shane. Kahit nga nasa ilalim ng tubig si Zac. Naagaw nya ang pansin nito.
"What? Oh?" sisigawan nya sana si Shane pero nakita nya ako.
"Hi, kamusta ka na?" umupo ako sa may tabi ng pool kung saan hindi ako mababasa
"Sige bessy maiwan ko muna kayo, pupunta lang ako sa kwarto. Shower ulet" tinalikuran na ako ni Shane at naiwan ako kay Zac.
"Okay lang naman" halatang cold sya sakin. Ano ba naman kayang nagawa ko dito?
"Hindi mo man lang nirereplayan yung mga text at chat ko? May problema ba?" tumingin ulit ako sa kanya. Kinunot ko ang noo ko. Umiling lang sya at naglangoy ulit.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...