Ivory
"Long time no see Princess" nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ko ang tinig na nanggagaling sa isa sa tinuturing na kaaway ng Black Blood Empire.
"Anong ginagawa mo dito Macky?" sinubukan kong hindi mautal. Kahit kaya ko ang mga kupal na to. Hindi parin maalis saakin ang takot na kung ano ang gawin nila sakin lalo na at matagal na kaming hindi nagkikita kita.
"Wala, nais ka lamang naming bisitahin mahal na prinsesa. Masama ba?" nakangisi sya pati na rin ang dalawang tuko na kasama nya. Nagmumukha lalo silang impakto sa paningin ko.
"Hindi naman pero kung ganon lamang ang pakay nyo ay maaari na kayong umalis, wala akong panahon sa inyo" tinaasan ko sila ng kilay. Sumeryoso naman ang mukha ni Macky. Halatang naaasar na sakin. Pupunta punta ka dito. Asar-talo naman pala.
"Nagsisimula pa lamang ang panganib sayo prinsesa, babalikan ka namin. Patikim pa lang itong muli nating pagkikita. Baka sa susunod dampian ko na ng suntok yang maganda mong mukha" lumabas silang tatlo at sinagi pa ako ni Macky. Halatang sinasadya nya yun.
Dumiretso ako sa girl's restroom at nagsalamin. Inayos ko ang make up ko, nagpowder at nagliptint. Kinalma ko ang sarili ko at nagkunwaring parang walang nangyari bago bumalik sa cafeteria.
"Oh ate natagalan ka yata? May problema ba?" tanong ni Calvin.
"May problema ba mahal na prinsesa?" napalingon ako kay Ranz ng tinanong nya ako.
"Ah. Wala marami kasing tao sa cr kaya natagalan ako. Pasensya na kayo. Tara itour nyo na kami dito sa Hammelton". niyaya ko na sila para di na ulit magtanong. Sasabihin ko naman talaga kina Calyx at Calvin. Pero mamaya na pag uwi sa palasyo. Ayokong masira ang araw na ito dahil ngayon lang ulit kami makakagala sa school na to.
Lumipas ang ilang oras, napagdesisyunan na naming umuwi dahil napagod na kaming maglakad sa sobrang lawak ng Hammelton. Saka na namin pupuntahan yung ibang rooms kapag nagstart na ang classes.
Bandang 4 pm nakarating na kami sa bahay at agad kong hinila sina Calvin at Calyx sa training room. Napansin ko naman na nagtataka si Ranz saamin. Parte sya ng BBE kaya pwede ko siguro syang isama.
"Sumama ka samin Ranz, may kailangan kang malaman"
Tahimik naming tinungo ang training room. Dumiretso ako sa swivel chair ko at umupo.
"May problema ba ate?" tanong ni Calyx
"Nakita ko si Macky" agad namang napatingin sakin ang dalawa at nanlaki ang mata
"Yung leader ng DRG?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Calvin
"DRG? What's that?" Hindi naman maintindihan ni Ranz ang pinaguusapan namin.
"Dark Rebel Gang. Mortal na kaaway ng Black Blood Empire. Sila ang huli naming nakalaban sa Underground Battle last year at hindi nila matanggap na natalo sila, desisyon yun ng panel kaya wala kaming kinalaman sa pagkapanalo ng BBE, sila yung maduming maglaro kaya nakarma sila. Hindi rin naman namin inaasahan na mananalo kami noon dahil bugbog sarado na kaming lahat. Si Macky, sya yung leader. Magaling sya pero may daya ang galing nya. May mga kagamitan sya sa katawan na hindi pede sa laro. Nakita ko sya kanina at kung normal lang akong babae matatakot talaga ako sa kanya. Malaki ang pinagbago nya at hinanda din siguro nila ang kanilang sarili sa darating na UGB"
"Kailangan nating magdoble ingat ate, hindi sila basta basta. Kung naghanda sila mas kelangan nating maghanda para sa kanila. Kung ang makatapat man natin sa huli ay ang DRG, mas makakalamang tayo kung magiging planado ang hakbang natin"
"Tama ka Calyx, kailangan din nating sabihan ang mga ka myembro natin. Malayo pa naman ang UGB kaya, may oras pa tayo. Siguro ilaan na lang natin ang mga natitira nating oras sa training bago magsimula ang klase"
"Sige ate. Kailangan mo ng magpahinga. Tawagan ka na lang namin kapag kakain na" tinapik ako ng mga kapatid ko sa balikat at saka sila umalis. Naiwan kami ni Ranz dito sa Training Room.
"Kahit anong mangyari, nandito lang ako sa tabi mo Prinsesa. Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong at hindi ako magdadalawang isip na tulungan ka" may sinseridad sa boses si Ranz habang binabanggit ang katagang iyon. Bakit parang ang cold nya ngayon? Naninibago ako dahil hindi sya katulad nung nakaraang linggo.
"Salamat Ranz"
"Sige na Prinsesa. Magpahinga ka na. Una na ko"
Sabay kaming lumabas ng training room at tumungo sya sa kanang bahagi dahil nandoon ang kanilang tinutuluyan. Naglakad ako papunta sa kwarto at feeling ko napakabigat ng nararamdaman ko. Nag aalala ako sa mga ka myembro ko sa BBG. Sana walang mangyaring masama sa kanila. Hindi ko mapapatawad sarili ko. Hindi ko hahayaang mabuwag ang gang na binuo ng Master Gideon ko.
----
BBE- Black Blood Empire
UGB- Underground Battle
DRG- Dark Rebel Gangxx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...