Shea
NAGISING ako sa isang puting silid, na tanging ingay ng mga aparato ang aking naririnig. Nilinga ko ang paligid, nag-iisa lang ako dito.
Teka?
May biglang pumasok na isang babae sa kwarto, nanlaki ang mata nya ng makitang gising na ako. Lumabas muli sya ng pinto habang nakahawak sa doorknob.
"Doc, gising na si, uhm--" hindi na nya natuloy ang kanyang sinasabi.
"Sino k-kayo?" sa wakas ay naibuka ko na rin ang aking bibig
"Ah hija, ipahinga mo muna ang sarili mo. Wag ka munang magisip ng kung ano ano. Sasagutin din yan... ng mga magulang mo" tumingin naman ako sa babaeng nasa tabi ng doktor.
Maganda sya, maputi. Parang nakita ko na siya noon ngunit hindi ko maalala kung saan at kailan.
"Sino ka?" baling ko sa babaeng iyon
"Hindi ba sabi ng doktor, wag ka munang umimik! Bakit ba ang kulit mo ha?" inirapan nya naman ako, tumalikod sya at umalis.
Ano bang nangyari sa akin? Bakit wala akong naaalala?
Dumaan ang ilang araw ay inilabas na din ako sa hospital, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kasama ko yung babaeng nasa hospital nung isang araw, pati yung doctor na tumitingin tingin sa akin.
Ilang araw ba akong nakahiga sa kamang iyon, hanggang ngayon kasa-kasama ko ang mga taong ito na hindi ko naman kilala. Daig ko pa ang taong sunod sunuran nila.
Hindi man lang nila ako kinakausap, kapag may tinatanong lang tungkol sa nararamdaman ko o hindi kaya ay may ipapainom na gamot. Nung lumakas na ako ay ako na ang nagpapainom ng gamot sa sarili ko.
Dumating kami sa isang mansion, gold and silver ang kulay nito, automatic na nagbukas ang gate ng pumasok ang aming sasakyan.
"Hi dear, how are you?" bungad sa akin ng isang babae, nasa edad 40 pataas siguro ito
"Sino po kayo?" natawa naman sya sa akin.
Hindi nya ako sinagot at pumasok na lang kami sa bahay. Nilinga ko ang paligid, wala akong maalala na nanggaling ako dito. Ano nga ba ang nangyari sa akin? Gulong gulo na ako.
Nakita ko naman ang isang lalaki na kasing edad nung babaeng sumalubong sa akin kanina. Hindi maipinta ang mukha nyang nakatingin sa akin. Nangilabot naman ako, sino ba sya? Kakatakot naman.
Inalalayan ako ng isa sa katulong sa mansion, pinaupo nya ako sa isang mahabang dining table. Maraming pagkain ang nakahain dito, ibat ibang putahe.
"Kamusta na ang lagay mo hija? Ako si Elma, ang iyong ina." tanong muli ng matandang babae
"Okay lang ho" tipid kong sagot
"Naaalala mo ba kami?" nakita ko namang tinapik nung lalaki sa braso si Mommy Elma? Tama bang tawagin ko syang mommy eh hindi ko nga sya kilala
"Ah hindi ho, ni pangalan at mukha ninyo hindi ko maalala" tumungo ako, at hindi na muli sila nagsalita. Nagsimula kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...