Ivory.
NAGISING ako ng tumama ang liwanag ng araw sa mukha ko, umaga na. Sobrang sakit ng ulo ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa kwarto na pala ako. Hindi ko na matandaan ang nangyari. Wait? Kausap ko pa kagabi yung dalawa ah? Oh! Nagwalk out ako. Napasapo ako sa ulo ko, it hurt so much. Pumunta ako sa cr at nagshower. Gumaan naman ang pakiramdam ko at napansin ko na may gamot sa side table pati tubig. May note din na kasama.
'Take this med, para hindi gaanong sumakit ang ulo mo'
-RMI
Ranz? Pano sya nakapasok sa kwarto ko. Hayss. Di ko nga muna pakakaisipin yun at sobrang sakit ng ulo, lalo lang sumasakit. Umupo ako sa harap vanity table ko at binlow-dry ko ang buhok ko. Nakita ko naman yung box na binigay sakin ni Ranz kahapon. Di ko pa nga pala nakikita ang nasa loob non. Binuksan ko iyon at bumungad sakin ang isang necklace na may half na heart at crown. Napanganga ako kase ang ganda nya. Sinukat ko yun at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Bagay na bagay sakin. Isusuot ko ito. Regalo naman nya kaya okay lang. Tinago ko na sa drawer yung box at bumaba na ko para kumain. Nasa baba din yung dalawa kong kapatid at nagtatawanan.
"Hey ate, good morning. Breakfast na!" ngumiti ako at dumiretso sa tabi nila.
"Where's mom and dad?" agad kong napansin kase wala sila dito sa dining.
"Maaga daw umalis sabi ni Yaya Tess, baka may gagawin. I dont know" sagot ni Calvin
I nodded. Kumain na lang ako, at bigla kong naalala sina Shane pati yung mga kaibigan nila. Umalis na daw kase mga cousin ko kase sinundo na ng mga parents nila. Pupunta na lang ako sa guest room sa taas para tingnan sila. Nakahiwalay naman ng room yung girls kasama si Shane. At kasama namam ni Zac sina Tyler sa kabilang guest room. Minadali ko ang pagkain ko at nagpahanda na din kina yaya kung sakaling kumain sina Shane.
Umakyat ako at nakita kong tulog pa ang mga girls. Sinilip ko naman yung kabila at muntik na kong himatayin dahil binuksan din ni Zac yung pinto. Tulog pa yung iba pero sya nakapagshower na. Napansin kong nakatopless pala sya kaya napatalikod ako. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya.
"Okay ka na ba?" tanong nya. Tinanguan ko lang sya
"Kapag gising na sina Tyler pati yung mga kasama mo, bumaba na kayo para makapag breakfast. Nagpahanda na ko kina Yaya."
Hindi ko na inantay na makapagsalita sya at bumaba na ulit ako. Nagtimpla ako ng gatas at umupo sa may bermuda sa garden. Malinis na at wala ng bakas ng kalat na nagparty kami dito kagabi.
"Suot mo pala" halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Ranz. Umupo sya sa tabi ko pero di ko sya nililingon.
"Yeah, regalo mo to. Kaya sinuot ko"
"Kamusta na pakiramdam mo? Masakit pa ba ulo mo?"
"Medyo, thanks nga pala sa gamot. Ininom ko kanina pagkagising ko"
"Sorry sa nangyari kagabi"
"Okay lang nangyari na, okay ka lang ba? Nakita kong dumugo ang labi mo"
"Oo okay lang ako. Malayo naman sa bituka". Napatawa naman ako sa sinabi nya. Tss. Kahit kailan talaga kayang kaya nya akong pangitiin. Komportable akong kasama ko sya. Naiilang lang ako ngayon dahil may gap parin samin dahil nung nangyari nung mga nakaraang araw.
" Enrollment na next week sa Hammelton, gusto mong sumabay sakin?". next week na pala yun, sabagay, kalahating buwan na lang pasukan na. Kinakabahan parin ako sa anumang mangyari.
"I'll talk to my mom and dad, sabihin ko rin na ako ang bahala sa enrollment ko. Siguro sayo ako ibibilin ng parents ko. Hahahaha. Hindi ako maaaring humindi sayo. Your my personal guard"
"Handsome guard" hahaha siraulo.
"Sige pasok na ko sa loob baka gising na sina Shane" tumayo ako at lumingon sa kanya. Ngumiti ako at saka sya tinalikuran.
Pagpasok ko sa loob ay kumakain na silang lahat. Ang bilis naman nilang mag prepare, halatang may mga hangover.
"Goodmorning!" masayang bati ko.
"Goodmorning Princess". sabay sabay silang tumayo at nagbow sakin. Hays. Ginawa pa talaga nila yun.
"Nako umupo na kayo at ituloy nyo na yang pagkain nyo!" umupo naman ako sa pinakadulong upuan. Sa inuupuan ni Daddy kapag nandito sya.
"Kamusta naman kagabi? Na-enjoy nyo ba ang party?" tanong ko
"Oo naman Princess, ansaya nga eh daming talo ni Tyler sa pusoy hahahaha" sagot ni Luke, kaibigan ni Zac
"Laro kase ng laro di naman marunong" bulong ni Shane, kahit alam kong bulong yun, dinig na dinig parin namin. Megaphone bibig nyan eh.
"Kapal ng mukha mo, bakit marunong ka ba?" halatang asar na asar si Tyler. Pero inirapan lang sya ni Shane. Parang aso at pusa talaga tong dalawang to.
Napansin ko namang tahimik si Zac.
"btw, diba lahat kayo sa Hammelton mag aaral? Enrollment na next week. Samahan nyo naman ako. Tour nyo ko" nagtinginan naman sila sakin at mukhang nagkaron ng excitement sa mga mukha nila.
"Tuloy na tuloy ka talaga sa HSU, Princess. Yieee may friend na kaming anak ng Empire hahahaha" sabat ni Julie. Friend din naman ni Shane.
"Oo naman, Julie pero hindi ko pedeng sabihin ang Identity ko sa school lalo na at nasa peligro parin ang buhay namin. Alam mo na"
"Yeah pero tuloy ka parin at excited kami dun Princess" Si Tyler
"Me too :)"
Maya maya pa ay nagpaalam na silang lahat kase nasa labas na ang mga sundo nila. Lumapit naman sakin si Zac. Tahimik parin. Hays. Kakainis talaga kapag nagbabago mood nya.
"Prinsesa ko, aalis na kami ha. Sunduin na lang kita next week para sa enrollment"
"I'll ask dad and mom kung ako na ba talaga ang mag eenroll sa sarili ko. Inaayos parin kase nila ang files ko"
"Sige. Chat na lang kita mamaya kapag nakauwi na ko."
"Bye ingat ka"
I wave my hand to them at ng tumalikod ako nakita ko naman si Ranz sa balcony ng east wing na nakatingin sa amin. Iniwas ko ang tingin ko at pumasok na sa loob.
------
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...