Ranz
One year ago
MARAMING nagbago, isang taon na din ang nakalilipas ng mawala si Ivory, nanatili kami sa mga Santini. Kahit na nahihiya parin ako sa kanila dahil hindi ko man lang naipagtanggol ang prinsesa.
Sinabihan na din nila ako na wala daw akong kasalanan. Pero kahit ganoon ay hindi parin maalis sa isip ko ang mga nangyari.
Hindi naman sila iwas sa akin, sabay sabay naman kaming nag-home school nina Calyx at Calvin. Ipagpapatuloy ko sana ang pagaaral sa Hammelton pero ayaw nina King Harry. Sinunod ko na lang ang gusto nila.
Isa din si Victoria sa nalungkot sa mga pangyayari, kokonting panahon lang sila nagkasama ni Ivory pero tinuring syang kapatid. Bilang pagpapasalamat nya kay Ivory ay itinuloy nya ang pag aaral para makatulong sya kapag nakatapos. Hindi sya home school dahil hindi naman delikado ang buhay nya. Hatid sundo parin sya ni Manong Rudy. Si Victoria naman ang palaging kasama ni Reyna Dalia. Dahil na din sa pangungulila nya sa nagiisa nyang Prinsesa.
Malaki ang nawala sa palasyo, wala na yung dating saya na naiidulot ni Ivory, halos palaging malungkot at tila ba may butas na sa kasiyahan ng bawat isa. Nakikita kong pinipilit lang nila ang sarili nilang maging okay. Ginagawang busy ang isat isa para hindi maalala ang sakit ng nakaraan.
College na ako next school year, sabi nina mommy wag na daw akong magcollege dahil isa na akong Lieutenant Colonel pero hindi ako pumayag, gusto ko rin kasing magtake ng pagdodoktor. Yun talaga yung dream course ko nung bata pa ako. Pero nauna lang yung pagmimilitary ko.
Hindi naman ako dito sa Hammelton magcollege, sa ibang country. Ayoko dito kasi masyadong toxic ang paligid.
Nasa kwarto ako ngayon at nagbobook ng flight sa US. Sa Vassar College ako magtetake ng pagdodoktor. I go there by myself, hindi pwede sina mommy dahil may trabaho sila dito sa Kentwood.
Hindi ako nagdadalawang isip na pumunta doon para din makalimot, ayoko dito dahil palagi kong naaalala ang masasayang araw ko kasama si Ivory.
Maya maya tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
[Hey, Ranz bro, saan ka magcollege? I will take a course of Doctor din. Nabanggit sa akin ni Shane na sa Vassar ka daw mag-aaral?]
"Yeah she's right. Ikaw san ka ba magcollege"
[Para may kasama ka, doon na din ako kasama si Shane. Hindi naman natin makakasama si Zac kasi magmimilitary yun]
Okay na kami ni Zac, hindi din nya akalain na mangyayari yun kay Ivory. Wala na sila ni Vienna. Mula nung mangyari ang gulo sa Hammelton, hindi na sya nagpakita pa sa amin. Walang nakakaalam kung saan sya nagpunta.
"That's great bro, nagbobook na nga ako ng flight ngayon. Nakabook na ba kayo ni Shane?"
[Hindi pa bro, idamay mo na kami tapos babayaran na lang namin kapag okay na]
"Sige bro. Send ko na lang ang details sayo later. Sige na bro"
Binaba ko na ang tawag at nagbook na ng flight.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...