Ivory
I already talked to dad at pumayag na sila na pumunta ako sa Hammelton, naienroll na daw nila ako nung time na umalis sila after my birthday kaya maglilibot libot na lang ako, marami ng pinagbago ang school na yun kaya posibleng hindi ko na yun naaalala, Grade 12 na ko ngayong darating na school year. Tatapusin ko lang tong SHS ko sa mismong school para din hindi ako manibago kapag nagcollege ako.
Hindi lang pumayag si dad na sunduin ako ni Zac kase may kasama akong guard. Iba din ang gamit naming kotse para hindi maghinala yung ibang students about sa identity ko. Kapag nakita nila yung royal car it means kami yun ng mga kapatid ko. So di namin ginamit yun. Kasama ko sina Calyx at Calvin pati na rin si Ranz. Binilin ni daddy na kailangan kasama ko sya palagi. Kaklase ko rin sya with same schedule. For safety na din at naiintindihan ko naman yun.
Grade 11 naman sina Calyx at Calvin, excited na silang dalawa kase hanggang elementary lang sila na nakaranas ng schooling sa Hammelton then after non Grade 7 nag home school na din sila.
"Nandito na tayooooo!!" nakakarindi naman tong si Calyx, nasa loob pa kami ng kotse, sumisigaw na.
"Stop it Calyx ang ingay! Wag masyadong magaslaw ha, o teka tandaan nyo ang gagamitin nating surname is Swortzki . Tapos first name lahat ang gagamitin na name! Naiintindihan nyo ba?"
"oo naman ate. Noted!"
Lumabas na kami ng kotse at madami na ding estudyante ang nagkalat sa may parking. I removed my sunglasses and inayos ko ang lukot sa damit ko. Naka white tube and denim skirt lang ako, may maliit na silver pouch akong dala. Nakakulot dulo ang hair ko and may light make up. Maraming napapatingin samin, may mga nagbubulungan, may kinikilig, may nagpapacute. Hays ganyan ba talaga sila?
I saw Sports Car, at may lalaking nakasandal dito. He's wearing a black maong pants, white v-neck shirt and white adidas shoes. Ngiti pa lang alam kong si Zac yun.
"Bessy!!!" pinandilatan ko ng mata si Shane. Ingay talaga.
"Hey! Dont call me Ivory, call me Evie, pero Candice talaga yung gamit kong name, first name gamit namin"
"Of course Evie. Nerbyosa ka masyado hahahaha" lumingon ako kay Zac at inakbayan nya ako.
"Lets go?" I nodded at dumiretso kami sa gate papunta sa campus. Nashock ako kase andaming nagbago. Mas lalong gumanda ang HSU (Hammelton State University). Dumiretso kami sa registrar, good thing tatlo ang registrar dito kaya kahit mahaba ang pila, mabilis ang proseso.
Nakapangalan kay mommy ang school na ito. Galing din kase sa mayaman na pamilya si mommy. Dito din sila nagkakilala ni Daddy. Pero kahit na prinsesa ako ayokong ipagmalaki na halos kalahati ng Kentwood pagmamay-ari namin. Hindi naman yun mahalaga sakin, as long as buo kami at masaya ang pamilya namin yun yung mas better ipagmalaki sa lahat.
Sumunod lang ako kay Zac at Shane. They lead the way at naramdaman ko ang atensyon ng tao ay nasa amin. Napapatigil sila kapag dumadaan kami. Kasunod ko rin ang mga kapatid ko at si Ranz. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng registrar. Bakit pinauna nila kami eh mas nauna naman yung mga tao dito? Weird.
"Ang gwapo at ang ganda naman ng kasama ni Shane at ni Zac, ano kayang name nila? Ngayon ko lang sila nakita?" rinig ko ang pag-uusap ng ilang kababaihan sa tabi namin
"Oo nga, ano kaya sya ni Zac? Bakit nakaakbay si Zac sa kanya?" tumingin ako sa kanila at ngumiti. Nanlaki ang mata nila dahil hindi nila inaasahan ang gagawin ko.
"Ang ganda talaga nya, mukha din syang mabait. I think matatalo na nya si Charlotte sa pagiging Queen Bee" hmm? Charlotte? yung ex ni Ranz. Queen kuno pala sya ng Hammelton.
Umalis na kami sa harap ng registrar kase si Shane at Zac lang naman yung mag eenroll kasi okay na yung enrollment files namin. Umalis kami sa siksikang mga tao at halos pare-parehas lang naman naririnig ko. Nginingitian ko lang yung mga babae. Meron din naman na maaarte pero di ko na lang pinapansin.
Dumaan kami sa may Cafeteria, buti naman at bukas ito. Malawak na din ito, dati medyo maliit at kokonti lang ang mga pagkain pero ngayon marami na, may mga stalls din ng fastfood.
Umorder lang kami ng dalawang box ng Pizza at anim na milktea, tigi-tigisa kami. Umupo kami sa may pinaka gitnang part. Siguro dito talaga umuupo sina Shane at Zac kasama mga friends nya.
"Lets eat!!" hay nako Shane, ingay ingay talaga.
"Hey may itatanong lang ako, bakit napakadali nyo namang makapag enroll, I mean bakit ganun yung mga tao sa inyo, pinauna nila kayo, sa halip na makipag-siksikan pa tayo dun?" tumingin naman sila saakin. At sabay napatawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Magkapatid nga kayo.
"Actually, si Kuya Zac heartrob yan. Tinitilian ng chicks kung saan saan. Ako naman member ako ng Dance Troupe tapos magkapatid pa kami kaya walang makapambully sakin. Heartrob din sina Tyler. Lahat ng barkada ni Kuya. Siguro nga kapag nakita na kayong lahat sa first day. Sure ako na heartrob din yang kapatid mo pati yang si Ranz at ikaw makakatapat mo si Charlotte dito as Queen Bee" bigla namang nasamid si Ranz. I know dahil yun kay Charlotte.
"Yeah narinig ko din yan dun sa mga babaeng nagbubulungan kanina, baka daw ako ang makalaban ni Charlotte sa pagiging Queen Bee" wala naman akong balak lumaban. KUNG GUSTO NYA, BAKIT HINDI?
"Sa ganda mong yan Evie. Matatalo mo talaga si Charlotte" diniinan talaga ni Zac yung bago kong name HAHAHAHAHA
"may cr ba dito sa cafeteria?" tanong ko
"Yeah meron, dun sa may dulo sa may exit, paglabas mo dun lumiko ka ulit. Cr yun. Gusto mo samahan kita?" sabi ni Shane.
"Ah wag na, kaya ko naman. Para masanay din ako."
Tumayo ako at kinuha ko ang pouch ko bago tuluyang umalis sa Cafeteria. Sinunod ko lang ang sinabi ni Shane. Pero pagliko ko may tatlong lalaki. Medyo mataba yung nasa gitna, tapos matangkad na payat yung dalawang nasa tabi. Mayayabang ang mga mukha nila. Napansin ko ang tattoo sa braso nila.
'DARK REBEL GANG'
-----
Evie po ang magiging name ni Ivory sa school. Kinuha ko po sya sa Ivory, Ivy sana pero mas prefer ko ang Evie. Sounds maarte hahahahaha. Enjoy reading ❤️
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Dla nastolatkówSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...