IvoryKINAGABIHAN, tinawagan ko agad si Ryan para ipaalam sa buong gang na may gaganaping training sa Miyerkules. Lunes pa lang ngayon at makakapagpahinga pa kami bukas ng maghapon. Pinasabi ko na rin kay Ryan na nakita ko si Macky at kilala naman nilang lahat yon. Hindi naman lahat ng miyembro ng gang ay kasali sa UGB, inihahanda lang namin sila dahil minsan may biglaang ganap na Underground battle after ng main UGB, hindi pa kami pedeng sumabak dun dahil bugbog pa ang katawan namin.
Ang main na kasali sa UGB ay mula Rank 1 hanggang Rank 10. Substitute naman ay ang Rank 11-20. Pero iba ang rule dito. Bubunot ang bawat leader ng gang sa isang fish bowl at kung anong number ang nabunot, ay syang bilang ng magiging substitute. Swerte na lang talaga kapag sampo ang nabunot na number. Katumbas nun ay ang Rank 11-20 ang magiging substitute nyo sa battle.
Sa training, pinag aaralan namin ang paggamit ng iba't ibang legal weapons na pedeng gamitin sa laban. May kanya kanya din kaming strategies at techniques. Kung san ka magaling doon ka igugrupo. Magaling ako sa paggamit ng dagger at malakas ang sense ko kapag may paparating na weapon sakin. Rank 1 ako kaya, hindi dahil ako ang leader. Nagpursigi talaga akong matuto at mag-ensayo para manguna sa Black Blood Empire.
"Buhay ng isat isa ang pinaguusapan natin dito, nasa mga kamay nyo ang kaligtasan ng bawat isa. Teamwork ang kailangan, isipin nyo na may mga taong naghihintay sa inyo sa labas. Mahalaga ang buhay natin at kung gagalingan nyo. Hindi kayo magsisisi." habang nagsasalita si Ms. Saraya ay nilapitan ako ni Ryan.
"Mahal na prinsesa, pwede ko po ba kayong makausap?" Hindi na ako sumagot at tumayo na lang, naglakad papunta sa tabi para hindi marinig ng iba ang pag-uusapan namin.
"Ang pamilya Jimenez po ay lumipat na ng kabilang distrito ng walang paalam pero ipinagtanong ko po sa mga kalapit bahay nila na kaya daw po ang mga ito lumipat dahil kapos na daw po sila sa pera at di na kakayanin ang pantustos dito sa Kentwood. Wala na po si Jon ang Rank 5 natin mahal na prinsesa." Napasapo ako sa noo ko, hindi maaari. Ngayon pa kami nabawasan. Kahit matagal pa ang UGB malaking kawalan si Jon sa gang dahil nasa Rank 5 pa sya.
Pero may naisip akong maaaring pumalit sa kanya.
"Sige na Ryan bumalik ka na doon at makinig kay Ms. Saraya. May naisip na akong paraan" lumapit ako sa may bench kung saan nakalagay ang duffle bag ko. Kinuha ko ang cellphone. Ikaw na lang ang pag-asa namin. At kukumpleto sa BBE.
"Ranz. I need you"
---
Zachary
Kanina ko pang napapansin na hindi mapakali si Ivory ng kinausap sya ni Ryan, yung secretary nya. Alam kong may problema, lalapitan ko na sana sya ng biglang dumating si Ranz. Ano namang ginagawa nito dito? Ay, parte din pala sya ng BBE pero wala syang rango.
"Anong problema mahal na prinsesa? May kailangan ka ba?"
"Ikaw! Ikaw ang kailangan ko. Ikaw ang papalit sa Rank 5 namin. Biglaan kase ang pag alis nila sa Kentwood dahil kapos na daw ang mga ito sa pera. Kaya lumipat na sila sa kabilang distrito. Kaya napagdesisyunan kong ikaw ang ipalit sa kanya."
Balita ko ay matagal ng tagaligtas at tagapagsilbi ng Santini ang mga Imperial. Hindi naman siguro maipagkakaila na magaling itong si Ranz. Isa siyang Imperial. Pero bigdeal yun samin dahil pinagpaguran naming makuha ang rango namin dito sa sa BBE. Tapos sya makukuha nya lang ng ganun ang pwesto ni Jon. Rank 5 pa yun. Hindi birong makapasok at maqualified sa ibat ibang rango.
"Ako? Papalit? Hindi ba magiging unfair yun sa ibang rango? Dahil basta ko na lamang nakuha ang pwesto at Rank 5 pa?" kung ibang tao ka lang siguro agad agad mo ng tinanggap ang alok ng prinsesa. Pamangkin ka nga ni Master Gideon.
Sa totoo lang magseselos ako kay Ranz, palagi nyang nakakasama si Ivory at nababantayan. Pero hindi ko magawang magalit sa kanya dahil baka magalit saakin si Ivory. Ayokong maging masama sa paningin ng minamahal ko. Hinahayaan ko nalang sila dahil may tiwala naman ako kay Ivory.
"Kaya nga mageensayo ka, konting panahon na lang ang natitira satin, siguro naman kaya mong mahabol ang pwestong iyon. Kaya mo yan. Ikaw pa" tinapik naman ni Ivory sa balikat si Ranz. Halata sa mga mata ni Ranz na masaya sya at bilang isang lalaki. Nararamdaman ko na may gusto din sya sa prinsesa ko.
"Makakaasa ka mahal na prinsesa" kinuha nya ang kamay ni Ivory at hinalikan ito. Napabuntong-hininga na lang ako at tinalikuran ko na sila. Dumiretso ako kung saan ng sasalita si Ms. Saraya tungkol sa magiging training namin. Tumabi ako kay Shane, tinanong nya ako ng tinanong pero wala akong ganang sumagot. Nakinig na lang ako at nakita ko naman na pumunta sa unahan si Ivory kasama si Zac.
"Uhm, guys can I have your attention please?" nagsitahimikan naman ang mga kasama namin at tumingin sa unahan. May mga babaeng kinikilig pa at nagpapacute kay Ranz. Sus, mas gwapo pa ko dyan.
"Nabalitaan ko na umalis ng bayan si Jon ang nasa Rank 5 at lumipat na ng ibang distrito. Kaya ngayon nakikita nyo naman na kasama ko si Ranz. Sya ang papalit kay Jon. Pero paghihirapan nya muna din na makuha yun para hindi unfair sa atin. Okay lang ba sa inyo?"
Nakita ko namang nagsitanguan ang mga ka miyembro namin at nginitian sila ni Ivory.
"Maraming salamat sa pagunawa ninyo. Sige Ranz, magsisimula na tayo ngayon"
Magkatabi silang umupo sa unahan. Kailangan ba lagi magkasama?
"Kuya, talo ka na yata ni Ranz. Inuunahan ka na kay bessy oh" turo ni Shane sakin. Nakangisi pa ang gaga. Kung di ko lang to kapatid nasapak ko na to.
"Pwede ba tumahimik ka? Di ka nakakatulong e"
Wag kang masyadong mabahala Zac, hindi maaagawa ni Ranz si Ivory sayo. Ipaglalaban ko sya hanggang sa huli. Kahit patayan pa yan.
-----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...