Ivory
"Alam mo bessy, in fairness ang ganda nung naka bunggo kay Calyx ha, sino ba yun?" napakachismosa talaga nitong si Shane. Hindi pa kami nakakaupo ni Calvin may tanong na agad?
"Ay nako hindi ko rin alam, mabait naman yung babae at hindi nya sinasadya yung nangyari" napansin ko naman nakasimangot si Francine.
Nagseselos yata dahil magkasama ngayon yung babae at ang kapatid ko.
Maya maya pa ay nag ring na ang bell. Kailangan na naming pumunta sa kanya kanya naming room. Magkakaklase kaming lahat maliban sa mga kapatid ko at kay Francine.
Nagsabay sabay na kaming umakyat sa 4th floor. Room 416.
Hanggang ngayon wala parin si Zac, hindi ko muna sya iisipin dahil galit parin ako sa kanya. Grabe first day na first day absent. Gawain ba yun ng role model na estudyante. Napakarami pa namang umiidolo sa kanya pero ganito naman pala ang ginagawa.
Nakarating kami sa 4th floor. Wala pa kaming books o learning materials kaya hindi ko parin napupuntahan ang locker namin. Hindi ko nga alam kung saan yung makikita eh kase hindi naman ako nilibot nina Shane sa locker area ng Senior nung nag enroll sila.
Pagpasok namin, nagkakagulo yung mga magigung kaklase ko. Pero nung namalayan nila na pumasok kami. Aba nagtahimikan lahat? Ano ba kami anghel?
"Hi classmates!" napakajolly talaga nitong si Tyler.
"Hi Tyler!" sabay sabay namang bati nung mga kaklase naming babae. Mga nagpapacute pa sa kanya. Heartrob nga.
"Oo nga pala kung napapansin nyo may dalawa kaming kasama dito, si Evie at si Ranz. New classmate natin. Oh sa ganda at gwapo nila baka naman may nagbabalak pang awayin sila nako ako makakalaban nyo sige kayo" nagtawanan naman yung mga kaklase namin at hinampas ko naman si Tyler sa balikat.
Napailing na lang ako at umupo sa may vacant na silya sa likod. Nagsunuran naman sila at saktong walong upuan ang walang nakaupo. Vacant parin yung isa, wala si Zac.
"Good afternoon students" bati ng isang ginang, adviser siguro namin sya. Nasa mid 30s na siguro at may katabaan.
"Good afternoon Maam" nagsitayuan naman kami para bumati. Ngumiti naman sya at sumenyas na maupo na.
" I am Ramona Reyes. Call me Mrs. Reyes, I'm your Creative Non Fiction teacher and your class adviser. Today is our first meeting and I would like to know who you are and what you are. So think one thing that describes about yourself. Lets start with you!" nagulat naman ako ng tinuro ako ni Mrs. Reyes. Lahat naman ng mga kaklase ko nakatingin saakin at naghihintay. Nasa dulo kase ako tapos malapit pa sa bintana akala siguro nya tamad ako.
Meron kasing eatudyante na sa likod umuupo, kaya dun sila pupwesto dahil ayaw makinig sa lectures ng teacher. Tumayo ako at hinarap si Mrs. Reyes.
"I'm Candice Swortski, but you can call me Evie. I describe myself as a chalk. Even if it is helpful it might be broken and depleted. And after you used it, you just wipe it off like nothing happened. You didn't see the value from that thing or me, myself because it ended like that" umupo na ako at saka naman nagpalakpakan yung mga kaklase ko. Nagtataka naman ako kung bakit nila ginawa yun.
"May pinanghuhugutan ka yata princess?" napalingon naman ako kay Ranz dahil sa binulong nya.
"Grabe ka wala kaya?" inirapan ko na lang sya at tinawanan naman nya ako.
"Very good Ms. Swortski. No wonder, you really belong to them" ngumiti naman ng pagkalapad lapad si Mrs. Reyes at alam ko na ang ibig sabihin noon. Alam nya din ang identity ko.
Isang teacher lang ang pumunta samin si Mrs. Reyes lang. Nakipag kwentuhan lang sya samin at nagpakilala lang kami sa kanya.
Papunta kami ngayon sa parking lot. Nauna na siguro yung mga kapatid ko, mas maaga ang out nila kesa samin. Nagtatakbuhan kami ngayon sa field, nagyaya kase si Shane na dito dumaan.
Naglolokohan kami kaya hinahabol kami ni Shane. Kinukulit din ako ni Ranz dahil dun sa sagot ko kanina kay Mrs. Reyes. Mema ko lang naman yun, ikaw ba naman ang biglang tatawagin para sumagot tapos hindi mo pa napagisipan ng mabuti.
Muli akong humawak sa braso ni Ranz papunta dahil malapit na kami sa gate ng parking. Maraming estudyante ang naglalabasan, baka mabangga din ako ng sasakyan.
Nakita ko naman sina Calyx at Calvin na nakasandal sa kotse namin. Kasama parin ni Calyx yung nakatapon ng juice sa damit nya.
"Hey!" ginulo ko naman ang buhok nila. Bakas naman sa mukha nila na masaya ang first day.
"Hey ate! Kamusta first day?" tanong ni Calvin.
"Nako Calvin kung maririnig mo lang ang sagot ng ate mo dun sa teacher namim sa Creative, mamamangha ka din" binatukan. ko naman si Ranz. Kung ano ano kasing binibida sa mga kapatid ko.
Hindi ko alam kung compliment yun o pang-aasar eh.
"Calyx, ipakilala mo naman samin yang kasama mo" bigla namang nahiya yung babae sakin.
"Ah ate si Victoria, sya yung aksidenteng nakabunggo ko kanina sa canteen" pagpapakilala ni Calyx.
"Yeah, tanda ko pa nga ang mukha nya. Nice to meet you Victoria. I'm Evie" inilahad ko ang palad ko sa kanya, nahihiya naman nyang tinanggap iyon.
"Wag ka ng mahiya samin, Victoria. Saan ka pala ngayon? Hatid ka na namin?" tanong ko sa kanya.
"Ah nako wag na po ate Evie. Nakakahiya po at saka malapit lang naman po ang bahay namin" narinig ko na scholar lang sya ng Hammelton. I mean scholar ni Mommy.
"Sure ka ayaw mo? Saan ka ba nakatira?" tanong ni Calvin.
"Ah dyan po sa may Alley sa baba po ng Trench Village"
Sa pag kakaalam ko doon ginaganap nina mommy ang mga libreng check-up, pagkain at lahat ng kailangan ng pamilya? So isa sya sa nabibigyan ng pangangailangan dahil poorest of the poor ang mga nabibilang sa Alley.
"Halika, kahit malapit pa yan ihahatid ka na namin. Sige na" tumango naman sya sakin at halatang ilang na ilang parin.
Papasok na sana ako sa kotse ng matanawan ko si Zac, sinundo si Shane. Mukhang nagbabangayan sila. May kasama pa silang isang babae. Hindi ko makita ang mukha, natatakluban sya ni Shane. Sumakay na lang ako sa kotse at napansin ko naman na nakatingin sakin si Ranz.
Pinaandar ni Manong Rudy ang kotse. Madadaanan namin palabas ng parking lot ang kotse ni Zac. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko kung sino ang kasama nila.
Si Vienna?
-----
Hi sa 158 na silent readers baka naman makapagcomment kayo dyan.
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Genç KurguSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...