48

25 2 0
                                    

Shea/ Ivory




SA PAGIISIP ko ng kung ano ano ay nakatulog ako ng hindi ko namamalayan, nagising ako bigla at tiningnan ang orasan sa may side table.




3 am na pala, nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako sa kitchen, pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko at may humampas sa likod ko kaya napadapa ako sa sahig. Hindi ako makabangon, unti unting nagdidilim ang paningin ko. Biglang pumasok sa isip ko lahat ng mga nangyari sa akin.. hanggang sa kahuli hulihang ala-ala ko.




"Tapos na ang maskara na gagamitin ng anak ko, mamaya ay ihahatid na lang namin sya doon sa bahay na tinutuluyan nyang anak ni Harry" may narinig akong usap-usapan, nananatili akong nakatungo dahil masakit ang likod ko, pati na rim batok ko ay hindi ko maigalaw.




Napaungot ako ng bahagya ng maramdaman ang sakit na dulot ng pilitang pagtunghay ko. Ang pagkakaalala-ala ko ay tinanggal ko yung binigay na pods ni Ranz. Tutulog naman ako kaya hindi ko yun isinusuot.




"Oh! Gising na pala ang prinsesa" may lumapit sa aking isang lalaki, kamukha sya ni Luis. Siguro ay ito yung sinasabi ni Vienna na kapatid ng daddy nya.




Hinawakan nya ang baba ko at itinaas iyon, naramdaman ko na naman ang sakit ng likod at batok ko. Masakit din ang pagkakapisil nya ng baba ko.




"Kamusta Shea este Ivory? Nakaka alala ka na ba?" tinarayan ko naman sya at sampal ang inabot ko.




Walang hiya!




Nasa abandonadong lugar kami ngayon, madilim at isang pulang ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa amin. Maya maya pa ay may isang babaeng pumasok sa pinto.




"Hi Ivory!" sino ito bakit parehas kami ng itsura




"Dont worry prostetics lang ito, duh? hindi ko hihilingin na maging kamukha ka dahil mas maganda ako sayo!" tinaasan ko naman sya ng kilay.




"Oh haha, hindi mo pa nga pala ako kilala" tinanggal nya naman yung maskara nya at bumungad sa akin si..




"Saizy?" humalakhak naman sya na parang bruha.




"Surprise!" may paghawak pa sya sa tiyan habang tumatawa. tss




"Katulad ka lang pala ng ate mo" sinampal nya naman ako at nagpipigil sya na sabunutan ako.




"Anak! Tama na yan, ihahatid ka na ng Tito Luis mo kung saan nakatira yang babaeng yan. Alam mo na ang gagawin mo ha."




"Of course dad" maya maya pa ay umalis na sila. Ako na lang ang naiwan dito sa loob.




May naramdaman naman akong gumalaw sa likod ko.




"Shea, uhm Ivory" nanghihina ang tinig nya at halos hindi ko ito maiintindihan kung malayo sya sa akin




"Vienna, anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka rin?" pagtataka ko, wala talagang awa yang si Luis.




"Nalaman ni daddy na sinabi ko kay na Ranz kung sino ka. At ngayon may plano sila na kidnapin sina Ranz, Tyler at Shane sa party ng isa sa ka member mo sa gang. Nalinlang ka ni Daddy, sila pala ang nagpapatakbo ng gang na sinalihan mo" tumulo na lang ang luha ko, ipinahamak ko ang mga taong mahahalaga sa akin




Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon