Ranz.NAKITA kong lumabas ng kwarto ni Ivory si Zac. Pababa nya ng hagdan ay hinarang ko sya.
"Anong ginawa mo sa kwarto ni Ivory?" tanong ko sa kanya
"Pinaakyat nya ako kanina, intayan ko daw syang makatapos maligo at nagpaalam na rin ako kase pauwi na ako"
"May gusto ka ba kay Ivory?" deretsahan kong tanong
"Oo meron at nalaman ko na inuuto mo sya. Wag mong sabihan ng mahal mo yung isang tao tapos gagaguhin mo lang"
"Hindi naman nya alam kung ano yung buong nangyare"
"Alam mo bro, iwasan mo na lang sya at sa oras na malaman kong ginugulo mo sya at inuuto, ako ang makakaharap mo"
Tinalikuran nya ako at lumabas na sya ng palasyo. Kahit sabihin ko mang nagseselos ako sa kanila wala akong magagawa dahil mas naunang nakilala ni Ivory si Zac.
Kinabukasan..
Hindi magkaintindihan ang mga tao sa palasyo dahil nagsi-alisan ang mga katulong para maghanda sa selebrasyon ng kaarawan ni Princess Ivor. Dumating na rin ang mga suit at gown na pinagawa kahapon at ang napaka eleganteng gown ng prinsesa. Sigurado akong sobrang ganda nya mamaya.
*kring kring*
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
"Hey babe!"
"Charlotte? ano na naman bang kailangan mo?"
"Ikaw, kase nabalitaan kong birthday ng prinsesa ngayon so can I come and can you be my date?" KAPAL.
"Ano ka ba Charlotte? Diba sinabi ko ng tigilan mo ko? At saka hindi ka naman invited lalo na at nageskandalo ka nung dumating kami"
"Hindi ako pumapayag, dapat invited ako; By the way, magge-gate crash na lang ako. Sanay naman ako. Bye Babe. Loveyou!"
At binaba nya na ang phone. Damn it! Napakakulit talaga ng babaeng yun. At tungkol naman dun sa nakita ng bestfriend ni Ivory. Kaya kami magkasama ni Charlotte noon lase nagbanta sya na kapag hindi ako nakipagkita, magpapakamatay daw sya. Tssk! Stupid! Hindi ko naman inaasahan na makikita kami ni Shane. Sincere naman ako dun sa pag-amin ko sa kanya na gusto ko sya.
Pumunta na ko sa kwarto ko, dahil gusto ko lang na mapag-isa. Teka? May regalo na ba ko? Shit! Wala pa! Dali-dali kong kinuha ang car keys ko at pupunta ako sa mall para bumili ng regalo. Wala pa naman akong alam na panregalo sa babae.
Ano kayang pwede? Teddy Bear? Shoes? Dress? Jewelries? Siguro pwede na ang jewelries.
Dumiretso ako sa bilihan ng mga jewelries, siguro pwedeng necklace ang kanya at bracelet ang sakin na parang couple.
"Miss,meron ba kayong couple na bracelet at necklace dito?"
"Yes sir marami po ano po bang design at saka po anong color?"
"Gold sana"
"Naku sir buti wala pang nakakakuha neto kalalabas lang last week at limited edition sya, bale kaya po walang bumibili kase sobrang mahal nya kumpara sa ibang jewelries na nandito"
Binigay nya sakin ang isang malaking box at bumungad sakin ang isang necklace na may kabigatan at may pendant na half na heart tapos may katabing crown pero buo sya. Tapos bracelet na nakalagay yung kalahati nung heart na nasa necklace meduo mabigat din.
"Sige miss kukuhanin ko na to"
Pagkabalot ay nagbayad na ako at umuwi na rin. Sana magustuhan to ni Princess Ivory.
----
Ivory.
3 pm pa lang sinimulan na akong ayusan kase may pictorial pa ako sa garden, pinapunta ko na rin ng maaga si Zac kase need din sya sa pictorial. Nandito na rin pala yung gown ko, mint green ang color na may gold na beads, may malaking ribbon din sya sa likod na napapalibutan ng gold. Yun yung napili kong kulay kase favorite ko. Maliban kase sa black and white na sinusuot ko sa mga meeting at Underground Battle namin ng BBE ay puro mint green at neon pink ang damit ko pero maa madami ang mint green. Di ko rin kase alam ang ibang kulay ng damit ko kase hindi ko naman nasusuot lahat.
Mga 5 pm na dumating si Zac at tapos na akong ayusan, nakapagpictorial na rin ako ng solo at si Zac na lang talaga ang hinihintay. Nasa garden kami ng palasyo, kitang kita ang napakagandang liwanag ng sunset. Perfect timing para sa shoot. Tumingin ako kay Zac, tumitig naman sya sa mga mata ko.
"Ang ganda mo talaga Princess" seryosong banggit ni Zac
"Hehe. Thanks Zac"
"Ibibigay ko na nga pala sayo yung gift ko"
"Bakit hindi pa mamaya?"
"Gusto ko kaseng isuot mo ito agad, alam mo Ivory, bata palang tayo lagi kitang nakakasama. Tinuring mo akong boybestfriend mo talaga. You gave your trust to me. Masaya akong palagi kitang napapasaya at nakakasama. Sa totoo lang hinintay ko talaga tong araw at pagkakataong ito para ipaalam sayo na...
GUSTO KITA PRINSESA, KUNG PWEDE SANA AY LIGAWAN KITA". nagulat ako sa sinabi ni ZacActually lagi syang nandyan para tulungan at pasayahin ako pag nanlulungkot ako. Hindi maikakailang noon nagkaroon ako ng feelings sa kanya pero natigil yun dahil tingin ko malabo naman yung mangyare. Kahit na prinsesa ako. Hindi lahat ng gusto ko ay pwedeng mangyari pero..
"Seryoso ka?" nilabas naman nya ang isnag pulang maliit na box at inabot ko saakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman nito. Naglalaman ito ng isang diamond ring.
"Pumapayag ka ba mahal na Prinsesa?" muling tanong ni Zac
"Oo, pumapayag ako Zac"
"Talaga?! YESS! YESSSSS!" halata sa mga mata ni Zac na sobrang saya nya. Isinuot nya sa daliri ko ang singsing.
Binuhat nya ako at inikot-ikot.
"Perfect shot!" sabay naman kaming napatingin ni Zac sa photographer at nagtatawanan.
"Promise, hindi kita sasaktan Ivory" niyakap nya ko at niyakap ko naman sya pabalik
Bigla namang pumasok sa isip ko si Ranz. Paano sya?
----
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...