Ivory.
UMUNA ako ng paglalakad papunta sa may pool area, pagkarating namin ay agad kong hinubad ang heels ko at umupo sa tabi ng pool. Ramdam ko na nakiupo din sya malapit sa tabi ko. Tahimik lang kami at parang nagpaparamdaman pa kung sino ang unang magsasalita.
After 5 mins, he broke the silence.
"Kamusta ka?" nahihiya nyang tanong
"Bakit ka umalis at hindi man lang nagpaalam, hindi ka na rin nagpakita" oppss! bakit hindi ko mapigilan ang bibig ko?
"Kailangan, may mahalaga kaming ginawa"
"Pitong taon? Ang tagal naman"
"Hindi madaling iwanan ka, gusto pa sana kitang makilala lalo nung una tayong nag-usap"
"Bakit hindi mo ginawa? ni hindi pa nga ako nakakapagpasalamat sayo pati pangalan mo hindi ko man lang nalaman"
"Mahal na Prinsesa nandito na po ako ngayon. Maaari na akong magpakilala sayo. Hindi na ako aalis"
Sumilay ang ngiti sa aking labi, tumingin ako sa kanya. Nakangiti rin pala sya sakin. at napatawa naman kami sa isat-isa.
"I'm Ranz Markian Imperial, pleasure to meet you Princess" kinuha naman niya ang kamay ko at hinalikan nya ng pabahagya
"I'm Candice Ivory Santini, nice to meet you Mr. Imperial"
Ngayong nandito na sya mapapanatag na ang loob ko dahil alam kong buhay pa sya.
"Tungkol nga pala dun sa kanina, yung--"
"yung babae?" hindi ko na sya pinatapos ng pagsasalita dahil alam kong tungkol don yung sasabihin nya
"She's Charlotte, my ex-girlfriend. hanggang ngayon ginugulo parin ako"
"Hmm, i see. Why is she acting like that? Grabe makadikit sayo ahh"
"Hindi ko din alam, maybe may gusto pa sakin or mahal pa ko. hahahaha joke. What I mean is 1 year na kaming break, dati isusurprise ko sana sya. Umuwi ako dito sa Kentwood ng hindi nya alam. Galing akong Harden sa pinaglipatan namin. Lilipat na ulit sana ako dito sa Kentwood para sa studies ko kaso pagdating ko ng school, sa Hammelton, may kasama syang lalaki ang masaklap pa dun, kahalikan nya pa. At dahil dun sa nangyare di na ko tumuloy"
"You gave up your studies here in Kentwood para lang sa kanya? That's stupid"
"Tss. hahahahaha. yaan mo na yun matagal na yun at saka masaya na ko ngayon. Lalo pa at nakita na kita."
Nagulat ako sa huling sinabi ni Ranz kaya dineretso ko ang tingin ko sa pool at tumungo para di nya makita na nagbublush ako. Shit ano ba yan!
"Bess!" oh thank god Shane, you saved me.
"Uy Shane, hmm by the way, Ranz this is Shane, Shane this is Ranz. She's my bestfriend"
"Your beautiful bestfriend! hahahaha nice to meet you Ranz" nag shake hands sila at napansin ko naman si Zac sa likod ni Shane
"Nice to meet you Shane"
"At saka pala si Zac, kapatid ni Shane. Boy bestfriend ko" tinuro ko naman si Zac. Nakakapagtaka na hindi makulit ang lalaking to ngayon. Pangiti ngiti lang..
"Bess hinahanap ka na ni tito sa loob diba may iaannounce ka?"
"ahm yah, sige susunod na ko" tatayo na sana ako ng bigla akong inalalayan ni Ranz sa kaliwang kamay at ni Zac sa kanan.
"ehem" singit ni Shane
"ako na boys, ako na aalalay sa mahal na prinsesa" tinabig ni Shane ang kamay nina Ranz at Zac, sya na ang umalalay sakin sa pagtayo.
Pinagpagan ko muna ang dress ko at sinuot ang heels bago pumasok sa loob. Dumiretso ako sa mini stage at kinuha ang mic.
"Good evening everyone" nakuha ko ang attention ng mga tao at lumapit naman sakin si Calvin at Calyx, pati na rin si Mommy at si Daddy.
"3 months na lang, magbubukas na ulit ang bagong school year" pamula ko
"Our mom and dad decided na pumasok kami sa Hammelton, pero kung pede po sana tayo lang dito ang makakaalam"
Nakita kong nagtatanguan naman ang mga bisita namin.
"This is for the sake of the people in our country, at para samin Royal Empire"
"wala pa kaming ideya kung sino ang may kagagawan ng nangyare, 7 years ago. We need to be safe" paliwanag ni daddy
"Do you agree guys?"
"Yesss! Oo naman" sagot ng mga bisita
"Good so in behalf of the royal empire, we all thankyou for your cooperation. Gusto lang din namin na makaranas ang aming mga anak kung paano mamuhay ng normal. Salamat talaga sa inyo"
Nagpalakpakan ang mga tao. Masaya kaming may mabubuting tao pa sa ngayon.
"Wag kayong mag-alala, poprotektahan ko po ang inyong anak" napalingon ako sa boses na aking narinig at nakita ko si Ranz na kausap si Daddy. Tumingin naman siya saakin at nag-iwan ng isang malaking ngiti.
---
Sana guys nakaabot pa kayo dito. Kung pwede lang po sana ay wag maging silent reader, share nyo rin po sa iba tong story kase alam kong maraming makakarelate. Share at Comment. Vote din po kayo. Follow me for follow back. Comment din po kayo kung gusto nyong magpadedicate ❣️ allthelovexd
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...