46

28 2 0
                                    

Shea



TINAWAGAN ko si Vienna, alam kong may nalalaman sya tungkol dito. On the way na daw sya, may kaba akong nararamdaman may dahilan siguro kung bakit palaging nagkukrus ang landas namin ni Ranz, Tyler at Shane.



Madalas akong nananaginip, may mga tao sa panaginip ko na hawig sa mga features ng mukha nila. Malabo ang mga iyon sa panaginip ko at kung tititigan ko ng mabuti ang mukha nila ay iisipin ko na sila talaga yun.



Nagring ang doorbell, senyales na nandito na si Vienna. Tumayo si Shane para buksan ang pinto.



"Shea" tumingin naman sya kay Shane, bago inilipat ang tingin kay Tyler at Ranz.



Lumapit sya sa akin at tumabi. Malungkot ang mga mata nya.



"Simulan nyo na akong tanungin, alam kong may gusto kayong malaman, sa amin at kay.. Shea" pamula ni Vienna



"Sino si Shea?"  nagtaka ako sa tanong ni Ranz.



"Sya si Ivory. Sya ang nawalang anak ni King Harry at Queen Dalia"



"Ha? Ikaw Vienna wag ka ngang magjoke, diba galing ako sa bahay ampunan? Tapos inampon nyo ako noon diba?" isa isang pumatak ang luha ko.


Napasapo ako sa noo. Hindi, hindi to totoo.



"Bakit sya napapunta sa inyo, ang akala namin ay patay na si Ivory?"  sabat ni Tyler



"Ibang bangkay ang nakuha ninyo, akala ko ba matatalino kayo? Hindi nyo man lang naisip kung bakit abo na lang ang dinatnan ninyo? Kinuha nina Daddy si Ivory. Ang tatay ko ang may pakana ng lahat, gusto nyang agawin ang trono kay King Harry. Magkapatid sila sa ama. Inggit na inggit ang tatay ko sa tatay mo Ivory. Nung una ay sang-ayon pa ako sa plano pero patagal ng patagal alam kong may makakaalam din ng lahat ng ito. Gumawa ako ng paraan, sadyang pinaglapit ko ang tadhana ninyo sa isa't isa. Ako Ranz ang nagbenta ng bahay sayong mga magulan, pinilit ko ang magulang kong papasukin si Shea sa Vassar"  sa totoo lang naguguluhan ako. Sumasakit ang ulo ko sa kanila.



Gusto kong malaman lahat pero hindi ko na kaya ang mga naririnig ko.



"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin Vienna? Lalo mo lang pinalala ang lahat!" hindi ko na mapigilan ang luhang pumapatak sa mga mata ko.



"Hindi ko kaya, takot ako. Takot ako na mangyari ito, minahal na din kita bilang kapatid Shea. Ayokong mapalayo ang loob mo sa akin. Ikaw lang ang naging tunay sa akin—"



"Pero hindi ka man lang naging totoo sa akin, alam mo ba yon! Una pa lang niloko mo na ako, niloko nyo na ako. Buhay pa pala ang totoo kong mga magulang, hindi pala nila ako iniwan. Kinamuhian ko sila na hindi naman dapat! Vienna ang sakit" napahawak ako sa ulo ko.



Gulong gulo na ako. May mga pangyayaring bumabalik sa isip ko. Pero hindi parin malinaw iyon.



Inabutan ako ni Shane ng tubig.



"May mga plano na ulit si Daddy" muling sumulyap ako kay Vienna. "Gagamitin ka nila Shea sa paghihiganti muli sa mga Santini, sa mga magulang mo"



"Anong balak nila?" bulalas ko



"Ang iyong tunay na ama naman ang balak nilang patayin, kailangan mo silang pigilan Shea, kailangan ka ng mga magulang mo"



"Hindi" nabigla naman sila sa sinabi ko. "Mas makakapag plano tayo ng ayos kung ako mismo ang lilinlang sa ama mo Vienna, inaruga nya ako pero kaya pala ganun na lang ang ugali sya sa akin ay may galit pala sya sa tunay kong pamilya. Sasama ako sa plano. Hindi ko ipaalam sa kanya na alam ko na lahat. Ako naman ang magtatapos ng galit at inggit na nararamdaman nya sa pamilya namin" kahit hindi ko man buo pang naaalala ang lahat ay tatapusin ko na ang gulong ito.



"Sige tutulungan kita, nagawa ko ngang pagtagpuin ang landas ninyo, kaya din kitang tulungan" tumango naman ako kay Vienna at ngumiti


Tumayo si Ranz at umakyat sa kwarto nya, sinundan ko sya ng tingin.



"Pwede na ba kitang tawaging Ivory, hehe kahit hindi mo pa ako gaanong naaalala?" tanong ni Tyler. Nailang naman ako ng konti dahil hindi ako sanay.



"Okay lang kung Shea, sanayin ko muna ang sarili ko hanggang sa maalala mo na kami, ganyan na ganyan ka din dati sa akin nung una tayong nagkita at nagkausap" hindi parin ako sumagot, napapahiya naman syang ngumiti sa akin. Akala nya siguro wala akong pakialam sa sinasabi nya.



Tahimik naman si Shane, nabanggit din ni Ranz na sya ang bestfriend ko. Nahihiya naman ako sa kanya dahil hindi rin ako mapakali kapag kausap ko sya. Sana mabalik na yung ala-ala ko ng hindi na awkward para sa amin.




Maya maya pa ay bumaba na si Ranz. May hawak syang box, naglalaman iyon ng tracking devices at maliit na pods.




"Isuot nyo itong dalawa" inabot naman nya sa akin ang isang pares ng pods at kay Vienna naman yung isang pares pa. "Device yan para alam namin ang nangyayari sa inyo, pag may problema kayo ay madali lang na mag-aalarm ang mga yan sa phone ko"



"Sige"



"Sasabihin ko kay na mommy ang lahat, ipapasabi ko rin sa Hari na buhay ka" kinabahan naman ako sa narinig ko. Makikita ko ba ulit ang mga magulang ko?



"Pero hindi ka pa nila pwedeng makita, tatawagan na lang ulit namin kayo next week para sa plano" lumuwag naman ang paghinga ko sa aking narinig.



"Masisira ang plano kapag nakita ka nila agad" sabagay, baka madala sila sa emosyon lalo na at isang taon din silang nangulila sa akin, na akala nila ay wala na, patay na.



Umalis na kami, pero dito ako tutuloy sa bahay ko, katabi ng bahay nina Ranz. Bukas pa ako uuwi sa amin. Matagal tagal na rin akong di umuuwi doon pero kakayanin ko, para sa magiging plano.



Umuwi na si Vienna, may gagawin daw sya bukas ng maaga kaya hindi sya dito tumuloy sa bahay ko. Nung una ay naghinanakit din ako sa kanya pero nawala yun nung malaman ko na sya pala ang gumawa ng paraan para magkalapit ang landas namin nina Ranz.



Malaking tulong din sya para sa plano, mas malapit ang loob nya kay Luis. Mas malilinlang ko sya.



Nagshower ako at nahiga sa kama ko, nakatitig sa kisame. Sobrang daming gumugulo sa utak ko.



Gusto ko ng matapos lahat ng ito at mamuhay ng normal..



----


xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon