11

54 3 0
                                    

Ranz

"Kung pwede sana ay ligawan kita"

"Kung pwede sana ay ligawan kita"

"Kung pwede sana ay ligawan kita"

TUMATAK sa akin ang katagang binanggit ni Zac kay Ivory. Liligawan na nya si Ivory. Umalis na ako ng marinig ko ang linyang yun. Bakla man pakinggan pero kumirot yung puso ko. Bakit pa kase hindi ko agad sinabi sa kanya ba gusto ko syang ligawan? Tss. Dumiretso ako sa kotse at nagdrive papunta sa venue kung saan gaganapin ang birthday ni Ivory, sa Fantasy Garden. Biglaang nabago ang venue kaninang umaga.



Lutang ang pag-iisip ko dahil parin dun sa kanina. Ibibigay ko pa ba ang regalo ko sa kanya? Bakit ba kase ang kupad-kupad ko, naunahan tuloy ako. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa FG. Marami-rami na rin ang tao, ilan dito ay ang mga closest friend ng Empire Family. Buti na lang at hindi ko dala ang aking cellphone, hindi ako makukulit ni Charlotte lalo pa at nabago ang venue, hindi nya kami mahahanap.



"Hey, Ranz right? Come here join us" lumapit si Shane kaya naagaw nya ang atensyon ko. Siguro mga parents nya yung nasa table. Syempre wala si Zac kase sya ang escort ng prinsesa.



"Yeah, Hi Shane" bumaling din ako sa parents nya. "Hello po" bati ko. Tumingin lang sila saakin at ngumiti.



"Paparating na ba sila Ivory at Kuya Zac?" aba malay ko



"Malapit na siguro sila, mag 8 pm na rin kase" palusot ko pero hindi ko talaga alam kung umalis na sila ng palasyo o hindi pa



"Ah okay, excited ako for them. No wonder kung bakit si Kuya ang napiling escort ni bessy"


"Huh? Bakit?" nacurious ako agad


"Alam mo simula 3rd grade hanggang Grade 7 crush na crush ni Bessy si kuya, kaso nung nag Grade 8 kami naghome school na lang si Bessy kase nga dahil dun sa nangyare sa kanyang birthday. Minsan na lang namin sya makasama noon nina kuya. Sabi naman ni kuya, crush din nya si Ivory kaso iniintay pa din nya mag 18 bilang pag-galang na din sa Hari at Reyna" kilig na kilig pa si Shane habang nagkukwento


Naspeechless naman ako sa kwento nya kaya naisip ko na dapat pala di na lang ako umalis dito sa Kentwood. Kung hindi kaya ako umalis, may chance kaya na ako ang magustuhan ni Ivory?



"Alright ladies and gentleman, the debutant is finally here. Let us all welcome, the one and only. Princess Candice Ivory Santini with her escort Zachary Mitchell" nandito na sila. Bakas sa mukha ng prinsesa na sobrang saya nya.



Makita lang kitang masaya at nakangiti. Okay na ko :)



"Lets give them a round of applause". Sobrang ganda nya talaga.



Dumiretso sila sa gitna at pinaupo ni Zac si Ivory sa chair na kumikinang. Parang si Ivory na laging kumikinang ang kagandahan sa mga mata ko.


Nagtama ang mga mata namin. Pero.... bigla siyang umiwas. Galit ka parin ba Prinsesa ko....


Ivory.


"Manong Rudy, sa empire hotel po tayo pupunta diba? Bakit po ibang way ang dinadaanan natin?" hindi naman ako sinasagot ni Manong Rudy.



"Zac, bakit ibang way yung dinadaanan natin?' hinawakan naman ni Zac ang kamay ko.


"Wag kang kabahan Prinsesa ko, nandito naman ako." mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa kamay nya at ngumiti ng pabahagya.



Maya-maya pa ay nagsalita na si Manong Rudy na nandito na daw kami sa venue. Tumingin ako sa bintana ng kotse namin at nakita kong sobrang daming tao sa labas.



"Welcome to Fantasy Garden, Happy Birthday Princess" at hinalikan naman ni Zac ang kamay ko. Naiiyak ako, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya.



Lumabas na kami sa kotse, inalalayan ako ni Zac.



"Hi baby, happy 18th birthday" bati ni mommy sakin at kiniss nya ko sa cheeks



"Happy Birthday sa maganda naming ate!!" napangiti naman ako sa dalawa kong kapatid. Sobrang sweet talaga nila



"Happy Birthday, my princess. Nagustuhan mo ba?" inikot ko ulit ang paningin ko sa paligid bago ko sinagot si Daddy.



"Super daddy thankyou" Niyakap ko sya at naramdaman ko naman ang pagyakap nya pabalik saakin. Napaka swerte ko talaga sa kanila.


Nate-teary eye na ako agad. Nako wag naman nila sana akong paiyakin ng todo. Masisira ang make up ko hahahaha.



"Alright ladies and gentleman, the debutant is finally here. Let us all welcome, the one and only. Princess Candice Ivory Santini with her escort Zachary Mitchell".
Pumunta kami sa unahan at pinaupo ako ni Zac. Agad ko namang nasulyapan si Ranz at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Naalala ko na naman sya.



"Lets continue and start with 18 roses" Nakikita ko kung sino ang mga makakasayaw ko sa 18 roses ko. Kilala ko sila pero yung iba hindi.

"Tyler Lincoln" tawag ng Emcee. Lumapit naman sakin ang isang lalaking naka navy blue na suit at matangkad, mestizo at hindi maipagkakailang habulin to ng mga babae.



"Happy Birthday Princess" bati nya.



"HAHAHA. Salamat."



Bestfriend sya ni Zac, nakilala ko na sya dati pero di kami gaanong ka close. Sumunod naman yung iba, mga pinsan ko at kaibigan ng pamilya namin. Nakikita ko na rin sila kapag may gatherings kami.



"Ranz Markian Imperial"



Papalapit na sya sa kinatatayuan ko, bakit ganito? kumakabog ng malakas ang puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nakikita kita?

"Hi Princess, Happy Birthday". Binigay nya sakin ang rose. Feel ko yung lungkot ng makita ang mga mata nya ng tinitigan ko ito, parang may gusto syang sabihin sakin. Pero hindi nya magawa.

"Thankyou". I gave him a small smile.



"I have something for you" tumigil muna kami sa pagsayaw at may nilabas syang box sa bulsa nya.



"What's this?"



Tumingin lang sya sakin bago magsalita.

"May itatanong sana ako sayo, kaso may nauna na pala. Regalo ko lang yan sayo. Sana magustuhan mo. Sige. Susunod na ang mahal na hari saakin. Happy Birthday ulit. Prinsesa Ko...."



----

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon