Ivory
UMALIS na lang bigla si Ranz pagkatapos ng laban nila ni Zac, tumakbo ako agad para itanong kay Zac kung okay lang siya. Alam ko naman na hindi kase dinadaing nya na masakit yung pagkakasipa sa kanya. Hindi ko naman masisisi si Ranz dahil kung hindi sya nakaiwas ay baka nasaksak na sya ni Zac. Muntik pang mapalo ng baseball bat rekta sa ulo, pero nasalag nya.
Dinala namin si Zac sa ospital para mapacheck kung okay lang yung nasipang part sa tiyan. Iniwan ko na din sila ni Shane kase baka hanapin ako ni Daddy sa bahay. Tinuloy naman namin yung duel kanina at nakalaban ko si Klaus yung Rank 10 namin. Mabait sya sakin at hindi naman kami gaanong nahirapan.
Hindi ko lang talaga alam kung bakit ganun yung ginawa ng dalawa kanina. Halatang may sama ng loob sa isat-isa.
Saturday bukas at walang ganap sakin. Hindi naman ako lumalabas ng bahay. Sa laki ng palasyo pwede naman akong magpagala gala dito. Dumiretso ako sa kwarto para mag shower, nakakapagod ang maghapon. Mabilis ang oras pero parang maraming nangyari. Nagbihis ako ng pantulog at pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Dalawa ang tinimpla ko kase pupuntahan ko si Ranz sa east wing. Itatanong ko lang itanong kung kamusta na sya.
Maybe hindi ko na babanggitin yung nangyari kanina sa Empire Hotel. Hindi rin siguro nya inaasahan na mangyari yun.
Tinulungan ako ni Yaya na bitbitin yung dalawang gatas at itinuro nya din saakin kung saan tumutuloy si Ranz. Pag-akyat namin ng hagdan.
Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot.
"Yaya hindi nyo ba nakikita si Ranz sa baba? Sa garden? Sa pool?" tanong ko kay Yaya Tess.
"Hindi hija, hindi ko pa nga rin siya nakikita sa pamula kaninang umaga nung umalis kayo. Akala ko nga ay sabay sabay kayong umuwi"
"Ah ganun po ba? Sige po babalik na lang po ako sa kwarto. Pakidagdagan na lang po ng isang gatas at pakidala po sa kwarto ng mga kapatid ko"
"Sige po mahal na prinsesa"
"Salamat Yaya Tess" tumalikod na ako sa kanya at naglakad papunta sa left wing kung saan naroon ang aking kwarto. Nasaan kaya yung lalaking yun?
Saan naman kaya sya nagpunta?
Hindi kaya dun sya sa rest house matutulog?
7 pm hinatiran ako ni Yaya Tess ng pagkain dahil hindi ako bumaba. Wala sina mommy at daddy dahil may meeting sila sa Prime Minister. Bago mag simula ang klase saka sila babalik dahil excited na muli sila sa pagpasok namin sa school.
Maaga akong natulog dahil may plano akong gawin para bukas.
Kinaumagahan, maaga akong gumising. 6:30 pa lang. Agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Hinanda ko ang maong pants, croptop sweater at white shoes na susuotin ko. After kong maligo, magbebreakfast na din ako para hindi ako magutom sa byahe. Nagpack na din ako ng panligo at extra na clothes kase masarap maligo dun sa falls. Magpapahatid ako kay Manong Rudy doon sa resthouse na pinuntahan namin ni Ranz. Gusto ko syang kamustahin. Bakit kaya doon sya nagpalipas ng gabi. Buti na lang tanda ko pa yung dinaanan namin.
Kasama kasi nina daddy at mommy ang parents nya at sya ay naiwan para bantayan kaming magkakapatid.
Tapos na akong magprepare kaya mag bebreak fast na ko.
"Oh ate san ka pupunta? bakit bihis na bihis ka?" tanong ni Calvin. Tulog pa siguro si Calyx ang aga naman niyang magising?
"Pupuntahan ko lang si Ranz"
"Ha? Asan ba sya? Wala ba sya diyan sa taas?"
"Wala, pumunta ako sa tapat ng kwarto nya kasama ko si Yaya Tess. Kaso wala namang sumasagot. Nakailang tawag at katok pa ko."
"Ah ganun ba? Gusto mo samahan ka namin ni Calyx"
Napaisip ako? Hindi naman masama kung isasama ko sila. At saka mag-eenjoy din sila dun.
"Sige hihintayan ko kayo. Kakain pa naman ako e. Magpapagawa parin ako ng french toast kina Yaya. Ayoko kase ng rice sobrang aga pa. Sige na magprepare ka na gisingin mo na rin si Calyx"
Nagmadaling umakyat si Calvin. Lumipas ang isang oras nakita kong nakabihis na yung dalawa. Tapos na din akong magbreakfast. 8 am na at dumiretso agad ako kay Manong Rudy para ipahanda ang sasakyan. Kinuha na lang ni Calyx yung 3 french toast sa table kase hindi pa sya kumakain.
Pagkapasok ko sa kotse kaya ko itinuro sa driver namin kung saan kami pupunta. Kinukulit naman ako ng mga kapatid ko kase saan daw yun eh hindi ko naman alam kung anong tawag dun basta ang sabi ko wag na lang silang magulo. Hindi na sila nangulit pa. Kalahating oras ang byahe papunta dun. Makakaidlip pa ako.
Nagising ako sa tapik ni Calyx. Nauna namang bumaba si Calvin dahil namangha agad sya sa paligid. Binuksan ng driver namin ang pinto ng shotgun seat at lumabas ako. Napansin ko naman ang kotse ni Ranz sa may tabi ng kotse namin.
Nandito nga sya.
"Ate ang ganda naman dito" tuwang tuwa sila at napailing naman ako.
Mukha lang talaga silang isip bata pero ayaw nilang nasasaktan ako. Kahit na mas matanda ako sa kanila feeling ko baby girl nila ako. Napaka protective nila sakin.
"Manong Rudy pwede ka ng umuwi. Text na lang kita mamaya kung magpapasundo pa kami. Nandito naman si Ranz, baka sa kanya na kami sumabay"
"Sige po maam. Magiingat po kayo ah" nagbow muna sya saakin bago sya sumakay sa kotse.
Umuna ako sa mga kapatid ko at kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig. Mga nakakanganga, sabagay ganito din naman ako nung unang punta ko dito.
Natanaw ko ang resthouse. Medyo malamig ang simoy ng hangin dahil na din sa hamog na nanggagaling sa falls. Malapit na kami nakita ko si Ranz na nakaupo sa coffee table sa may balcony. Hindi nya kami napapansin.
"Ranz!!" tawag ko. Napatayo naman sya ng marinig nya ako.
Kumaway sya. Mukha naman syang masaya? Bakit dito pa sya natulog?
Kumaway din naman pabalik ang mga kapatid ko at tumakbo papunta sa kanya.
"Kuya Ranz ang ganda naman dito" giliw na giliw si Calvin
"Okay lang ba na sinama ko sila dito?" tanong ko. Nag aalinlangan pa akong tumingin sa kanya kase baka galit sya. Dinala ko kase dito ang mga kapatid ko ng di man lang sya sinasabihan.
"Tara swimming tayo Calvin!" hinila naman ni Calyx ang kapatid nya.
"Magiingat kayo. Wag lalayo!" sigaw ko
Tumingin ulit ako kay Ranz para hingin ang sagot sa tanong ko.
"Okay lang ba?"
"Oo naman. Sa atin naman to diba?"
------
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
TeenfikceSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...