47

27 2 0
                                    

Ranz





LUMIPAS ang isang linggo, napagdesisyunan namin na umuwi sa Kentwood. Mas gusto kong makausap ng personal sina mommy pati na din ang royal empire. Magkakasama kaming uuwi nina Tyler at Shane.





Hindi na sana sila uuwi pero pinilit ko sila dahil kailangan kapag nagpaliwanag ako ay naroon din sila sa palasyo. Wala kaming klase hanggang Friday dahil may event na gaganapin sa Vassar about sa contest ng SHS, gagamiting headquarters ang College Dept kaya pwede kaming magtagal sa Kentwood.





Nag-iimpake kami ng gamit ng biglang may nagdoorbell.





"Shane, buksan mo nga muna yung pinto" utos ko kay Shane, sininghalan pa ako ni Tyler. Pamula kasi nung niligawan nya na si Shane, ayaw nya daw itong mahirapan.





Magbubukas lang naman ng pinto e.




"Hi Shane, Hi guys" napatingin naman ako sa pinto.





"Shea!" tawag ni Tyler. Dumiretso naman sya kay Shane at inakbayan ito.





"Pasok ka Shea" inalalayan naman nila si Shea na pumasok at maupo sa sofa.





"Why are you guys so busy? Aalis ba kayo?" nagtatakang tanong ni Shea.





I preffered to call her Shea hangga't hindi pa nya naaalala ang lahat.





"Yeah, uuwi muna kami sa Kentwood bukas, tutal one week naman tayong walang pasok" sagot ko.





"Hmm, I see. Sayang hindi ako pwedeng sumama. Uuwi din ako bukas sa amin. Para matuloy yung plano natin against kay Luis" nagcrossed arms naman sya at halata sa mga mata nya na naiinis sya sa mga magulang ni Vienna, sa mga Hernandez.





"Ow, by the way baka gusto ninyong sumama sa akin, my friend invite me to her birthday party. Sabi nya maginvite parin daw ako, halos lahat naman ng nasa gang namin kasama kaya, kung pwede sana ay sumama na din kayo. Masaya yun, hindi naman kami magugulo" she laughed a little at tumingin sa amin.





Tumingin naman sa akin si Tyler at Shane, ako kasi lagi ang pinagdedesisyon nila kapag may mga ganito.





"Sige, sasama kami"  at nagtatalon pa yung dalawa. tss mga baliw.





"Hey guys, What's up!" nandito kami ngayon sa isang malaking bahay, engrande ang birthday party ng kaibigan ni Shea.





She look so famous sa dami ng bumabati sa kanyang mga bisita dito sa party. Kasunod lang naman nya kami, nililinga linga ko rin ang mga painting na nasa pader, siguro anak ng artist itong may birthday.





"Hey Jon, how are you?" nagbeso beso naman sila ni Shea.





"I'm okay Shea, ikaw? Tagal na nating hindi nagkita. I know your busy with your studies right?" napalingon naman sya sa amin. "Shane? Tyler? Kayo ba yan! What a small world nga naman" bumeso naman sya kay Shane at nakipag kamay kay Tyler.





Sino ba itong lalaking to?





"Jon this is Ranz, Lieutenant Colonel Ranz Imperial. Ranz he is Jon. Rank 5 sya sa BBE noon, yung pinalitan mo last year" pagpapakilala ni Shane.





Nagulat naman sya, hindi na kami nagkita mula nung umalis sila ng Kentwood. Kaya siguro hindi nya ako kilala.





"Pleasure to meet you Colonel" nagshake hands naman kami.





"Pwede ba kitang makausap saglit?" nagtaka sya pero walang nagawa kundi tumango.





Nagpaalam muna ako kina Shane at Tyler, ibinilin ko naman sila kay Shea.





"Can I ask you something?" pagpapamula ko





"Yeah, anything. What is it?" bumuntong hininga muna ako bago muling nagsalita.





"Its about Shea, how did you know her?"  napakamot naman sya sa sintido nya at waring nagiisip





"Ah! Nagkakilala kami dati, sa school sa Vassar. Tama ang balita noon sa Kentwood na kaya kami umalis dahil kapos na kami sa pera at mga pangangailangan. Lumipat kami dito sa US. Nakahanap naman agad ng trabaho si Papa noon. Nung nagsimula ang klase ay nakita ko si Shea na palakad lakad at hindi alam kung saan yung Room na papasukan nya kaya tinulungan ko sya. Akala ko pa noon ay sya si Princess Ivory pero hindi pala. Hanggang sa naging magkaibigan kami, nakikita ko din kasi sa kanya ang ugali ng Prinsesa"





Pero sya nga si Ivory...





Nagkakwentuhan kami saglit at saka ako nagpaalam, hinanap ko naman ang table nina Shea at tumabi sa kanila.





"Kamusta pag-uusap nyo? "  bulong ni Tyler.





"Okay lang, mabait naman sya" hindi ko itinuloy ang pagsasalita dahil nagstart na ang party.





Masaya naman ang naganap na party, hindi pa kami pinauwi ni Shea dahil may gaganapin pa rin daw na after party, kung ano yung suot namin kanina ay yun parin hanggang ngayon, uuwi sana kami para makapag palit pero hindi na kami pinayagan lalo na ng may birthday dahil baka daw hindi na kami bumalik.





Nasa isang table kami na nasa harap ng pool, naglalaro si Shea sa may beer pong. Ayaw naman naming malasing dahil magdadrive pa mamaya.





"Hey guys, join us. Dont be so KJ!" tumanggi naman kami pero ang kulit nilang lahat.





"Sige, tig iisang shot lang kami" sabi ko.





"Ano ba yan ang hina naman?" reklamo ni Shea.





Binigyan na lang nila kami, at least nagshot kami kahit isa lang. Sabay sabay naman naming ininom nina Ty at Shane yung beer na binigay ni Shea.





Itinaob ko pa yung baso para alam nilang inom ko talaga ang laman noon. Babalik na sana ako sa upuan ko ng makaramdam ng hilo. Nagdodoble yung tingin ko. Iisang shot lang naman yun pero bakit ganoon na lamang ang tama?





Napansin ko namang napahawak sa braso ni Ty si Shane. Napasapo din sya sa ulo nya.





Maya maya pa ay natumba na lang kami sa sahig, malabo lang ang paningin ko. Nakikita at naririnig ko ang mga pagtawa nila sa amin. Pilit kong inilalapit ang aking sarili kay Tyler at Shane. Naramdaman ko namang may humawak sa ulo ko at hinila iyon.





"S-shea, a-anong ibig sabihin nito?" ramdam kong pahina ng pahina ang pintig ng puso ko.





"Surprise Ranz. Akala mo yun? Nalinlang kita?!"  napansin kong tinanggal nya ang balat sa mukha nya, parang maskara iyon unti unting nagdilim ang paligid.





Hindi ko nakita ang mukha niya..





Iisa lang ang nasisigurado ko..





Hindi pala talaga sya si Ivory..





----





xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon